09

1619 Words
Chapter 09 3rd Person's POV "Stress? Hindi ko naman siya pinapagalitan," sagot ni Keith na nakakunot ang noo. Naiinis na sinuklay ni Keith ang buhok. Masyado fragile ang batang babae. Sumasakit ang ulo niya kakaisip kung anong gagawin sa batang babae para mag-act ito ng normal na bata at manatili sa mansion na iyon ng mapayapa. Bahagya nilingon ni Keith si Bible na nakaupo sa ibabaw ng kama at pinaiinom ni Leah ng tubig. "Ako na bahala. Umalis ka na," ani ni Keith at iwinagayway ang kamay matapos tumalikod. Nagpresinta naman si Sandro na ihatid ang doctor palabas ng mansion. Bago lumabas si Sandro sa kwarto ay inutusan ni Keith ang lalaki na ayaw niya na makita ang mga katulong na iyon pagbaba niya. It's mean palayasin na ito ni Sandro at huwag na pababalikin pa sa mansion ng mga Pittman. Sumagot si Sandro ng yes at isinara ang pinto. Napatingin si Bible kay Keith noong makita niya ito na papalapit sa kanila. Sinisinok na sinabi ni Bible na hindi siya kumuha ng wrist watch. Tumayo si Leah matapos ibalik ni Bible ang baso sa babae. Nakayuko si Bible at pinaglaruan ang mga daliri. Nanginginig nito sinabi na hindi siya magnanakaw. Hindi niya kukuhanin ang ganoon kahalaga na bagay at pagmamay-ari ni Keith. "Wala— wala ako kinuha," nanginginig na sinabi ni Bible. Puno ng takot ang expression nito dahil sa maaring magalit sa kaniya si Keith. Hindi nito magawa tingnan ang lalaki sa mata dahil sa posibilidad na magbago ang tingin ni Keith sa kaniya katulad ng tinatapon na tingin sa kaniya ng kinalakihan niyang mga magulang. Umupo si Keith sa gilid ng kama. Napatigil si Bible noong hawakan siya ni Keith at itinaas. Nakatingala ngayon si Keith at nakayuko si Bible. Nagtama ang mata nilang dalawa. Imbis galit or dissapointment— kalmado lang si Keith at sinabi ng lalaki na ang panget ni Bible umiyak. Paunti-unti sumalubong ang kilay ng batang babae sinabi na bitawan siya. Natatawa si Keith na iniupo si Bible sa mga hita niya. Agad na sinabi ni Leah na hindi maganda tingnan na nakaupo ang batang si Bible sa lap ni Keith. "Bakit hindi? Napaka-squishy niya. Mukha siyang puff ball," ani ni Keith at pinisil-pisil ang pisngi ni Bible na ngayon ay pinipigilan na ang sarili na sapakin ang lalaking ginagawa stress ball pisngi niya. "Manong Keith!" Agad na tinulak ni Bible ang pisngi ni Keith sinabihan ito na manyakis na matanda. Napasapo si Leah sa noo at napabuga ng hangin. Maya-maya ay lumambot ang expression ni Leah at tiningnan si Keith na inaasar si Bible. Sa isip ni Leah maaari na iyon ang way ni Keith para i-comfort ang batang babae. "Keith Pittman!" Umuusok ngayon ang ilong ni Bible. Gulo-gulo na ang buhok niya, namumula ang ilong at pisngi dahil sa pagpisil ni Keith sa pisngi niya. "Or not," ani ni Leah kalaunan. After 'non ay okay na si Bible. Hindi na ito nanginginig dahil sa takot kung hindi sa inis kay Keith na. "Look— nagmukha ka ng nanay ko matapos mo isigaw buong pangalan ko. Naalala ko ganiyan mommy ko kapag nagagalit. Sinasabi buong pangalan ko minsan kasama pa middle name ko," ani ni Keith. Magsasalita si Bible para awayin si Keith nang takpan ni Keith ang bibig ng batang babae at ipantay ang mukha niya sa bata na nakaupo pa din sa mga hita niya. "Kinuha mo 'man ang wrist watch o hindi. Hindi iyon importante sa akin. Lahat ng nasa mansion na ito ay sa iyo. Wala sa pagmamay-ari ko ang hindi sa iyo. Pwede mo paglaruan ang wrist watch na iyon as much as you want," ani ni Keith. Napatigil si Bible matapos marinig iyon. "I always trust you at kapag sinabi mo na hindi ikaw ang kumuha 'non imposible na hindi ako maniwala kahit pa nasa harapan ko na ang ebidensya." Nangilid ang luha ni Bible matapos marinig iyon hanggang sa humikbi ito. Sinabi na natakot siya. "Akala ko maniniwala ka sa mga katulong at palalayasin ako. Ayoko umalis dito— hindi na ako makakatikim ng maraming sweets at makakain ng maraming pagkain," ani ni Bible. Naibaba ni Keith ang kamay at napa-pokerface. Pinipigilan naman ni Jonas at Leah na matawa. Ang dahilan bakit ayaw ni Bible magalit si Keith at palayasin siya ay dahil marami pagkain sa mansion. Sinabi na walang utang na loob si Bible. Napasigaw si Bible noong hilahin ni Keith ang dalawang pisngi ng batang babae sinabi na halatang tini-take advantage ni Bible ang kabaitan niya. "Kaya gusto mo lang manatili dito dahil marami sweets at pagkain. Ungrateful witch," iritable na sambit ni Keith. Nagsisigaw si Bible sinabi na nasasaktan siya. Lumambot ang expression ni Leah. Malayo ang reaksyon na ipinakikita nito kanina sa sinabi nito. "Hindi masama minsan na mag-act ka na isang bata young lady," bulong ni Leah habang nakatingin sa batang babae na inaalis ang mga kamay sa pisngi niya. Walang koneksyon ang pagkain sa reaksyon na nakita niya sa batang babae at sa sinabi nito sa kaniya noong kausap ni Keith ang doctor. "Ayoko magalit si Keith. Hindi si Keith," bulong ni Bible. Paulit-ulit iyon naririnig ni Leah kanina after ng insidente about sa wrist watch. Naaalala niya na noong una niya nakita si Bible ay naisip niya na ordinaryong bata lang ito. Cute at sigurado siya na paglaki nito ay magiging isang napakagandang dalaga. Noong nalaman nga niya na sa future ay ikakasal ito kay Keith ay agad niya direktang kinausap si Keith. Masyado bata si Bible at jinudge ang intensyon ni Keith sa pagpapatira nito kay Bible sa mansion na iyon. Flashback "Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa iba Leah?" tanong ni Keith. Nakaupo ang lalaki sa swivel chair sa loob ng opisina niya at naglalaro ng chess mag-isa. Pinipigilan ngayon ni Leah sapakin si Keith. Mula pagkabata alam na ni Leah kung gaano kapangit ang ugali ni Keith, masyado ito makasarili at nilalayo ang sarili sa mga tao. Kahit maraming tao na nais tulungan si Kaith dahil sa nangyari sa pamilya nito imbis magpasalamat at tanggapin iyon ay nagalit pa ito. Sinabi na hindi niya kailangan ng awa ng kahit na sino. Naiyukom ni Leah ang kamao. Isa ang pamilya niya sa mga nagmamalasakit kay Keith sa mga oras na iyon hanggang sa mga panahon na iyon ay hindi pa din tumitigil ang pamilya Reyes sa pagsuporta at palihim na pagbabantay sa batang tagapagmana ng mga Pittman. "Hindi ko talaga alam bakit nagi-insist ang dad ko na tulungan ang taong tulad mo," ani ni Leah at tumalikod. Babalikan niya na lang si Bible— sigurado mawawala ang frustration niya kapag nakita niya ang mga ngiti ng batang si Bible. "Pinatawag kita dito hindi dahil sa kailangan ko ng tulong mo," ani ni Keith na parang pinagdidiinan nito na nandoon si Leah hindi dahil kailangan niya ng tulong ng mga Reyes. Naggitgit si Leah at naiinis na nilingon si Keith para bulyawan ito ngunit nabitin sa ere ang mga sasabihin niya matapos siya diretso na tiningnan ni Keith. "Ang batang iyon ang may kailangan sa iyo," bulong ni Keith. Hindi nawala sa isip ni Leah ang mga sinabi ni Keith noong time na iyon. "Nabaliw na ba ang lalaki na iyon dahil sa sobrang talino niya at stress," gigil na sambit ni Leah hanggang sa isang araw nag-insist siya paliguan si Bible at doon nakita niya ang mga marka sa katawan ng batang babae na tinatago nito sa magagandang dress. Nanlamig si Leah matapos makita iyon at malaman ang edad ng batang babae. Habang nasa likod ni Bible si Leah na nakaluhod. Tiningnan ni Leah ang reflection ni Bible sa salamin. Walang buhay ang mga mata nito habang nakatingin sa sariling katawan na puno ng peklat, sugat at papagaling pa lang na mga pasa. Nanuyo ang lalamunan ni Leah matapos parang sirang plaka ang mga huling sinabi sa kaniya ni Keith. Iyong kailangan siya ni Bible. "Lady Bible— lagyan muna natin ng ointment mga sugat mo bago ka maligo," ani ni Leah at kinuha ang isang bottle na binigay ng doctor sa kaniya na noong una hindi niya alam para saan. Nahawakan ni Leah ng mahigpit ang bote at sari-saring mga mura ang pumasok sa isipin niya. Sino ang demonyong gagawa ng ganoon sa batang nasa pitong taong gulang pa lang. Nakayuko si Leah habang naglalagay ng mga ointment sa palad. "Simula ngayon young lady ako na ang mag-aalaga sa iyo. Kung may nararamdaman ka na mga discomfort ay sabihin mo agad sa akin," ani ni Leah. Napalingon si Bible tinanong kung anong ibig sabihin nito. Ngumiti si Leah at pormal na nagpakilala sinabi na simula ngayon ay personal maid na siya ni Bible. "24/7 na nasa tabi at kakampi mo," ani ni Leah at binigyan ng napakagandang ngiti si Bible. Agad na lumiwanag ang mukha ng bata at nagpasalamat kay Leah. "Then I am in your care from now on. Thank you Leah," bulong ni Bible. Noong nakita na nahihiya si Bible ay hindi niya maiwasan na yakapin ang bata sinabi na napaka-cute nito. End of the flashback Sa nakikita ni Leah at sa mga bakas ng masasama ni Bible na nakaraan para sa isang bata napakatapang ni Bible. Tiningnan ni Leah si Keith na tumatawa habang nakatingin ng masama si Bible sa lalaki at hawak ang namumula niyang mga pisngi. Maganda din ang nakikita niyang improvement sa personality ni Keith matapos dumating si Bible kahit pa nakikita lang iyon ni Leah tuwing nasa paligid ang batang babae. Nako-curious si Leah kung sa paanong paraan gagamutin nina Bible at Keith ang sugat ng isa't isa sa kabila since sa mundo na iyon silang dalawa lang ang nagkakaintindihan at nakakakita ng kanilang parehong sugat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD