08

1564 Words
Chapter 08 3rd Person's POV Naglalakad sa hallway si Bible hawak ang kamay ng stufftoy. Lumapit siya sa isang silid. Tumingkayad at inabot ang door knob. "Manong Keith." Tinatawag ni Bible si Keith ngunit walang sumagot. Napihit niya ang door knob at bumukas iyon. Bumungad kay Bible ang amoy ni Keith at ang— napa-pokerface si Bible. Sobrang dumi ng silid ni Keith. Pumasok siya sa silid. Marami siya nakitang mga documents na nakakalat sa sahig at gumos na mga papel. Tatlong laptop, can ng beer at balat ng junkfoods. Karaniwan na ginagawa ng mga bata na kasing edad ni Bible ay paglalaruan ang mga iyon ngunit— nilinis niya lahat ng mga iyon. Itinaas sa table na may kaunting kataasan sa kaniya. Itinapon sa garbage bin ang mga gumos na papel, plastic ng junkfoods at can ng beer. Hindi niya na tinawag pa si Leah para gawin iyon at sa halip ay siya na ang gumawa. "Young lady?" Sumilip si Leah sa pinto. Napatigil ang babae matapos makitang naglilinis si Leah. "Young lady. Bakit kayo ang gumagawa nito." Agad na lumapit ang babae at hinawakan ang kamay ng bata na dadamputin ang unan. Napalingon ang bata. Sinabi ni Bible na madumi kay niya nililinis. Napangiwi ang dalaga at inayos ang dress ng bata. "Ngunit hindi maaring ikaw ang gumawa nito young lady. Napakabata niyo pa at isa pa may iba nito na gagawa para kay young master." Hindi maintindihan iyon ni Bible. Gawain niya iyon dati sa orphanage. Inosente tinanong ni Bible kung anong age siya pwede maglinis. Natawa ang babae. Hinawakan ni Leah ang kamay ng bata at inaya na ito palabas ng silid. "Young lady baka mag-freak out si sir Sandro kapag nakita ka niya naglalampaso sa sahig ng mansion." Nilingon ni Leah ang bata habang naglalakad sila palabas ng silid. "Wala ka ibang dapat isipin ngayon young lady kung hindi ang magsaya, matuto at kumain ng masasarap na foods katulad ng sinabi ni sir Sandro." Hindi umimik ang bata. Nawala na sa isip ni Bible ang paborito niya na laruan. Noong lunch na kasalukuyang salubong ang kilay ni Keith habang nakatingin sa mga limang katulong na pinadala doon ni Sandro para maglinis ng mansion galing sa agency. "Sino pumasok sa room ko at kumuha ng wrist watch ko? Nagkatinginan ang mga katulong. Hindi familiar kay Bible ang mga apat na taong nasa main mansion ngunit isa dito ay sobrang kilala ni Bible. Nanlamig si Bible matapos makita ang familiar na babae. Pinsan niya ito sa mother side. Naiinis na sinabi ni Kaith na kapag walang umamin sa mga ito ay paaalisin ang mga ito sa mansion. "Hindi ba sinabi sa inyo ni Sandro na ayaw kong may humahawak ng mga gamit ko sa loob ng room ko." Nanggigil si Keith. Ang wrist watch na iyon ay pagmamay-ari ng dad niya. Lumapit si Jonas kay Keith. Sinabi ng lalaki na wala siyang makita na wrist watch sa mga gamit ng mga katulong. Nasalubong ni Bible ang tingin ng katulong at nakita niya ito ngumisi. Naiinis na tinanong ni Keith sino naglinis ng room niya. Sumagot si Marie— ang pinsan ni Bible sa mother side niya na hindi nalalayo sa edad ni Keith. "Nakita ko kanina sir Keith na lumabas sa room niyo si lady Bible," sagot ni Marie. Tiningnan ni Keith ang batang babae bahagya kinabahan si Bible. Hindi niya alam na hindi maaari pumasok sa room ni Keith at ayaw nito pinakikialaman mga gamit niya. "Nevermind, hanapin niyo ang wrist watch ko kung kinakailangan baliktarin niyo ang buong mansyon gawin niyo," iritable na sambit ni Keith at tumalikod. Natatakot na tiningnan ng batang si Bible ang babae na ngayon ay palihim na nakangisi at nakatingin sa kaniya. Masama ang kutob niya. Isa-isa pumasok ang what if sa isip ni Bible isa na doon ang sisihin siya ni Keith at ayawan siya nito. Nakaupo lang si Bible sa sofa habang busy ang mga katulong na hanapin nga ang wrist watch ni Keith. Kinakabahan si Bible— hindi dahil guilty siya. Wala siyang alam sa wrist watch ngunit dahil nandoon ang pinsan niya. Napansin ni Leah ang pagiging balisa ni Bible kaya naman naglapag ito ng mga sweets sa table at jar ng candy. Iniisip ni Leah na maaring dahil marami tao doon kaya nagkakaganoon ang batang si Bible. "Young lady, magmeryenda ka muna. Gusto mo ba gumala muna tayo sa labas after?" tanong ni Leah matapos umupo sa tabi ni Bible at abutan ito ng juice. Masama ngayon ang tingin ni Marie sa direksyon ni Bible. Kung ituring kasi si Bible sa mansion na iyon ay isang prinsesa. Halatang mamahalin ang mga dress na suot nito, tunay na diamond ang nasa mata ng stuff toys nito at mamahalin ang mga accessories. Kinagat ng babae ang daliri sinabi na hindi iyon deserve ni Bible. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba pinahahanap sa inyo ni Mr. Pittman ang wrist watch niya," dumating si Sandro. Napatalon ang katulong at agad na humingi ng tawad. Sinamaan ni Sandro ng tingin ang katulong na nakayuko. Sinabihan ito na gawin ng maayos ang trabaho. Nilampasan ito ni Sandro at naglakad patungo sa direksyon ni Bible na kausap si Leah at kumakain ng cookies. "Sige magpasama kayo kay Jonas. Huwag kayo lalayo masyado sa mansion," ani ni Sandro matapos magpaalam si Leah na habang hinahanap ang wristwatch ay igagala na muna niya si Bible. "Nakita ko ito habang pabalik ako sa mansion. Naalala kita kaya binili ko na," ani ni Sandro at nagbaba ng paper bag. Nagtataka si Bible na kinuha iyon at binuksan. Kuminang ang mata ni Bible at nilabas iyon. Balloon iyon na may princess design. Napangiti si Leah matapos bumalik ang kulay ng mukha ni Bible dahil doon. Nagustuhan nito ang lobo na dala ni Sandro. "Hah, ano iyan suhol?" tanong ni Keith habang pababa ng hagdan. Bukas ang mga butones ng suot nitong longsleeve at nakasuot lang ng rip jeans. Natulala ang batang si Bible dahil kumikinang sa mga mata niya si Kaith. "Heh, masarap ba iyang kinakain mo? Hindi ka pa ba busog? Mukhang sa tingin mo na iyan ako naman gusto mo kainin," ani ni Keith. Doon bumalik ang lahat ng senses ni Bible at namumula ang tenga na sinabi na hindi totoo iyon. Natawa si Keith. Mas okay na ang mood nito compare kanina siguro dahil nakatulog na ito ng ilang oras at nakapagpahinga. "Hanggang ngayon ba hindi pa din nahahanap ang wrist watch ko?" tanong ni Keith. Nakatayo ngayon si Keith sa harap ng coffee table. Yumuko ito at kumuha ng isang cookies na nakapatong sa table at kinain. Napatigil si Bible sa pagkagat ng cookies. Naalala niya muli iyong wrist watch. Paano kung— "Sir Keith nahanap na namin ang wrist watch." Napatigil si Bible at lumingon. Nakita niya si Marie na may hawak na wrist watch kasunod ang mga katulong. Sinabi nito na nasa room iyon ng batang si Bible. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Bible matapos makita iyon. Nabitawan nito ang hawak na cookies. 'Magnanakaw! Bakit ito nasa mga gamit mo ha!' Nanginginig ang mga kamay ni Bible habang nakatingin sa wrist watch. Pinipigilan naman ni Marie mapangisi matapos makita ang sobrang takot sa mukha ni Bible. Bahagya tiningnan ni Keith si Bible na natatakot na nakatingin sa wrist watch na sinasabi ng mga katulong na nakita sa room ni Bible. "Pumasok kayo sa room ni lady Bible! Sino nagbigay sa inyo ng pahintulot!" sigaw ni Leah at tumayo. Naiinis na sinabi ni Marie na ginagawa lang nila trabaho nila. "Kung hindi ako pumasok sa room ni lady Bible hindi ko makikita ang wrist watch," ani ni Marie. Diretso nito tiningnan ang personal maid ni Bible. Lumapit si Keith. Sa isip ni Marie katapusan na ni Bible at mapapalayas na ito sa mansion. Hinablot iyon ni Kaith at tiningnan ang wrist watch niya. Madilim ang anyo na tiningnan ng lalaki si Marie dahilan para mamutla ang katulong ng todo. "Katulad ng sinabi ni Leah walang nagbigay sa inyo ng permission na pumasok sa silid ni Bible. Ipatawag niyo ang manager ng agency na pinanggalingan ng mga babae na ito at ireklamo," utos ni Keith. Agad na lumuhod si Marie sinabi na nahanap niya ang wrist watch. Alanganin ngumiti sinabi na iyon ang mahalaga. "Mahalaga?" ulit ni Keith at ngumisi. Hinablot nito ang panga ng babae sinabi na anong alam nito sa importante sa kaniya. Nilapit nito ang mukha sa babae at sinabi na ayusin ng babae na iyon ang pagtingin nito kay Bible. "Fiancee ng tagapagmana ng mga Pittman ang tinitingnan mo ng diretso sa mata at isa ka lang katulong. Matuto ka ilugar ang sarili mo," bulong ni Keith. Parang tinamaan ng bulta-bultaheng kuryente ang babae dahil doon at agad na pinagpawisan ng malamig. Nanginginig itong nakayuko at nakatungkod ang dalawang kamay sa sahig. "Witch, kung gusto mo ng ganito na relo mag-request ka lang. Papagawan kita ng ganitong design. Masyado malaki ang relo na ito para sa iyo," ani ni Keith matapos umayos ng tayo at nilingon si Bible na anytime paiyak na. Napatigil si Keith noong makita ang takot sa expression ni Bible. Agad ito pinakalma ni Leah at sinabing huminga ng malalim si Bible. Sumuka si Bible at pawisan na nakayuko habang nakatingin sa sahig. Napamura si Keith at sinigawan si Sandro. Inutusan nito ang lalaki na tumawag ng doctor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD