07

1190 Words
Chapter 07 3rd Person's POV Namangha si Bible sa dami ng teddy bear na sa mga magazine at books niya lang nakikita dati. Naglakad si Bible sa area na iyon at tumingin-tingin. Napatigil si Sandro noong may tumawag sa phone niya. Nagpaalam ang lalaki. Nakatayo si Bible ngayon sa harap ng isang estante. Nakatingin sa pink na stuff toys. Kinuha niya iyong may kaliitan na tama lang para mayakap niya. "Mama! Mama! Ito iyong gusto ko na stuff toys!" Napalingon si Bible. May nakita siyang isang pamilya at may dalawa na anak na babae. "Oo na oo na. Bibilhin na natin iyan. Huwag ng malikot." Nakangiti ang mag-asawa habang kinakausap ang mga anak at inaabutan ito ng mga laruan. "Nakapili ka na ba ng laruan na gusto mo?" Nawala lang ang atensyon ni Bible sa pamilya na iyon matapos may magsalita sa likod niya. Napalingon si Bible. Nakita niya si Keith. May bitbit itong napakalaking sloth na stuff toys. Hindi nalalayo ang height ng stuff toys na iyon sa height ni Keith. Namangha si Bible. Sinabi ni Bible na iyong pink na star gusto niya. Pinapipili pa ni Sandro si Bible ngunit sinabi ni Bible na ayaw niya na ng ibang toys bukod doon. Sumabat na si Keith kaya naman wala na nagpumilit pa kay Bible na pumili pa ng ibang toys. May mga nagtakbuhan na bata. Apat na bata iyon at isa sa bata ay nadapa. Nahagis ang hawak nitong barbie at nahulog sa harapan ni Bible. Napatigil si Bible. Umiyak ang batang babae at si Bible ay napaatras. Napaupo si Bible sa sahig at naghihikatukang nakatingin sa manika. "Witch!" Lumapit si Keith. May nga dumating na staff at pinatahan ang batang babae na umiiyak. Tumili si Bible habang hawak ang mga tenga. Napalapit sina Sandro kay Bible at pinahihinahon ito. Sa isang madumi at maliit na attic may bata sa pinakasulok ang kasalukuyan ngayon may kinakain na nilagang patatas. Madumi at tagpi-tagpi ang kasuotan at may maliit na pangangatawan. "Bible! Bumaba ka na diyan! Linisan mo itong buong bahay at maglaba ka!" Tumayo ang batang babae at sumilip sa maliit na bintana sa loob ng attic. Sa ibaba nakakita siya ng napakaraming bata na naglalaro, may magandang kasuotan at mga laruan. May dalawang matanda na naglalakad palayo sa bahay at may kasunod na dalawang batang babae. "Mommy doon tayo ulit sa pinagkainan natin na restaurant. Ang sarap ng meat nila doon." Sumakay ang mga ito sa sasakyan. Pinunasan ng bata ang labi gamit ang likod ng palad at naglakad palabas ng pinto. Ang attic na iyon ang nagsilbi na kwarto ng batang babae. Paglabas na paglabas niya pa lang ay naririnig niya na ang boses ng kusinera sa orphanage na iyon. Sinisigaw ang pangalan ni Bible at galit na galit ito. Sinasabing napakatamad ni Bible at buhay prinsesa ito. Sa maliit na pangangatawan na iyon ay naglalaba siya ng mga damit. Naghuhugas ng plato, naglalampaso at nagi-igib ng tubig. Nakasanayan na lang iyon ni Bible dahil gawain niya na iyon simula ng tumuntong siya ng apat na gulang at matutong maglakad. "A(ey) Aso!" Bahagyang napatingin si Bible na nakasampa sa upuan at kasalukuyang nagsasampay ng puting tela. Mula sa pwesto niya naririnig niya ang ilang bata sa ampunan sa isang silid at nakikita. Tinuturuan ang mga ito ng isang guro na magbasa. Tuwing umaga ay nandoon din si Bible at sinisigurado niya na matatapos ang kaniyang paglalaba sa oras ng simula ng klase ng mga batang nandoon para matuto. Nais niya matuto magbasa at magsulat. Mabasa ang mga magazine na sa kaniyang silid, mga libro lalo na ang liham ng kaniyang ama. Gusto niya iyon mabasa. Habang naglalampaso si Bible ng sahig patuloy ang takbuhan ng mga bata. Nakaluhod si Bible sa sahig habang may hawak na basahan. Hanggang sa may makasipa ng planggana at matapon ang laman 'non sa sahig. Imbis mag-sorry ay nagtawanan ang mga bata at umalis. "Bible! Anong nangyari dito! Hindi ba sinabi ko na bilisan mo paglilinis dito dahil may mga darating na bisita!" Dumating ang sekretarya ng may ari ng orphanage. Sinubukan ni Bible mag-explain ngunit sari-sari ng sumbat at salita ang narinig niya. Walang ambag doon si Bible at palamunin. Napahawak na lang sa laylayan ng suot na lumang dress ang batang babae habang nakayuko. Anak din siya ng may ari ng orphanage. Bakit ganoon na lang din ang pagtrato sa kaniya. Nakatingin ang batang babae sa kaniyang anino. Gusto niya magtago. Gusto niya umalis sa lugar na iyon at magtago sa mga mapanghusga nilang mga mata. "Bible." Napaigtad ang batang babae. Lumingon ang bata then nakita niya si Keith. Nakataas ang kilay ng binatilyo. Inangat ng binatilyo ang kamay at pinisil ang pisngi ng batang babae. Napalakas iyon kaya nahampas siya ni Bible na agad gumusot ang mukha. "Kanina pa dumating ang pagkain. Hindi ka ba kakain? Kung ayaw mo ipapabalik ko na ito sa kusina." Sinabi ni Bible na kakain siya. Agad na kinuha ang kutsara at kinain iyong mga putahe na inaabot sa kaniya ni Leah. Pagkatapos ng nangyari sa store ay nawala sa sarili si Bible hanggang sa makarating sila sa restaurant. Medyo nag-worried sina Sandro ngunit noong makita na maganda na kumakain muli ang alaga ay medyo nakahinga sila ng maluwang. "Keith, you're here." Napatigil si Keith at napalingon. Nakita niya ang mga kaklase. Nakapatong ang isang braso ni Kaith sa likod ng upuan ni Bible habang nakatingin sa dalawang babae na palapit at apat sa varsity player ng University nila. Agad gumusot ang mga mukha nito matapos makita si Keith. Natutuwa ang dalawang babae na lumapit. Tinanong kung anong ginagawa nito sa restaurant. Tiningnan nila si Leah. Ngumiti ang isa sa babae na halata naman fake. "May ka-date ka pala." Nawala si Sandro dahil nagpaalam ito na pupunta sa washroom. Hindi naman ng mga ito nakita si Bible na bahagyang napatigil sa pagkain at tumingin sa mga kaklase nga daw ni Keith. Nakangiting nakipag-usap si Keith sa mga babae at sinabing nandoon nga sila para kumain. Iyong mga lalaking kasama ng mga babae ay bahagya ng naiinis. Inagaw na naman ni Keith ang mga pinopormahan nila. Nahulog ni Bible ang binili niya na stuff toy. Nagsasalin ng maiinom si Leah para kay Bible. Yumuko si Bible para abutin iyon nang may ibang kamay ang kumuha sa manika. "Sa iyo ba ito bata?" Inosenteng tiningnan ni Bible ang lalaki at tumango. May humablot ng manika sa lalaki at pabalya na inabot kay Bible iyon. "Kapatid mo Keith? She's cute." Nawala ang atensyon ng dalawang lalaki sa mga pinopormahan nila kanina dahil kay Bible. "May kapatid si Keith?" Lahat nakatingin kay Bible. Nanlamig si Bible. Ayaw niya ng mga ganoon na tingin. Napatigil si Bible noong hinarang ni Keith ang likod ng palad sa mukha ni Bible. "She's not my sister. Kumakain kami. Parating na din ang secretary ko kaya hindi ko kayo maiimbitahan na maupo dito sa table namin." Pinaaalis ni Keith ang mga ka-schoolmate niya. May lumapit na staff at inaya na nga ang mga ito sa isang table. Nakakaagaw kasi ang mga ito ng atensyon. Sinundan ng tingin ni Keith ang mga ka-schoolmate niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD