06

1140 Words
Chapter 06 3rd Person's POV Bumaba si Bible ng sasakyan matapos ito pagbuksan ng pinto ni Sandro. Agad naman lumiwanag ang mukha ng isang matandang babae matapos makita si Bible. Noong tangkain nito lumapit ay napaatras si Bible. Napatingin si Keith na nasa loob ng sasakyan, naka-cross arm at mukhang walang balak bumaba. "A-Anong ginagawa mo dito tita?" Halata sa mukha ni Bible ang pag-aalinlangan at takot. Nandoon ang kinilala niyang mga pangalawang magulang at nandoon din iyong mga inaakala niyang mga kapatid. Halata sa mga ito ang pagkadisgusto matapos siya makita. "Ano ka ba bata ka. Sinabi ko na sa iyo na tawagin mo akong mama. Hindi ka na iba sa amin." Lalapit ang matanda noong may mga humarang na body guard. Bahagyang lumingon si Sandro sa loob ng sasakyan. Nakita niya si Kaith na nakaupo at nakatingin sa kabilang bahagi ng sasakyan at bintana. Pinatawag ni Keith ang mga body guard nito sa area na iyon. Nagulat ang mga magulang ni Bible. "Mawalang galang na ngunit kailangan na namin umalis dahil naka-schedule ngayon ang full body check up ni lady Bible." Natulala kay Sandro ang isa sa dalawang anak na babae ng mag-asawang kumupkop kay Bible. Sinabi ni Sandro na pumasok na si Bible at aalis na sila. Tumango lang si Bible at walang lingon-lingon na pumasok sa sasakyan. Isinara ni Sandro ang pinto at pumasok na din ang lalaki sa driver seat. Hindi man lang inabala ng mga ito papasukin ang kinilalang pamilya ni Bible. Inaya ng mga guard na umalis ang mga ito at sinabing bumalik na lang pagkadating mga amo nila. Noong nasa labas na sila ng mansyon. Nagpapadyak ang batang babae na kaedaran lang din ni Bible. "Ang Bible na iyon. Nakasuot lang ng magandang damit at nakasakay sa kotse akala mo na kung sino." "Ang gwapo ng guy na secretary ng matandang Pittman." Hindi umiimik ang matanda na babae. Puno ng pagkadisgusto ang mukha nito dahil sa inasal ng mga Pittman. Hindi bumaba ang matandang Pittman para batiin sila o papasukin man lang sa loob ng magandang mansyon. Sa halip nagpatawag ang mga ito ng guard para paalisin sila. Kinagat ng matanda ang daliri. Nagsalita ang asawa nito na nakatayo sa tabi nito. "Hindi kaya may alam ang mga Pittman. Sinumbong ba tayo ni Bible?" Binaba ng matanda ang daliri at sinabing hindi iyon gagawin ni Bible. "Nakita mo ang takot sa mukha ni Bible pagkatapos tayo makita? Sinabihan ko na si Bible na kapag may sinabi siya sa mga Pittman kukuhanin natin siya doon at itatapon sa lugar kung saan wala ng makakakita sa kaniya." Nakahiga si Bible sa isang single bed. Nakapikit ang bata at natutulog. Kausap ni Sandro ang apat na doctor na nag-check sa bata. Umiling ang doctor then pagkatapos non ay mga umalis na. Nakatayo si Keith hindi malayo kay Sandro at tahimik lang na nakikinig sa mga sinabi ng mga doctor about sa test result ng ginawa nilang check up sa batang si Bible. "Ilang bali sa katawan, mga paso ng sigarilyo na pagaling pa lang at ilang bone fractures. Hindi ko alam kung paano na-handle iyon ng maliit na katawan ng batang iyan." Kinailangan nilang patulugin si Bible dahil ayaw nga ng bata nakikita ang katawan niya at mukhang alam na nina Keith kung bakit. Noong nagising si Bible ay lumingon siya. Nagtama ang mata nila ni Kaith. Sinabi ni Keith na ang tagal ni Bible matulog. "Sorry bigla akong inantok." Bumangon si Bible at naghikab. May sleeping pills ang pinainom na tubig ni Sandro kay Bible natural na antukin ito. Naisipan iyon ni Keith bago magsimula ang check up since alam niyang hindi papayag si Bible galawin ang katawan niya. "Kanina pa naghihintay ang doctor na mag titingin sa iyo sa kabilang room." Nakatingin lang si Keith at Sandro sa batang si Bible na nakahawak ngayon sa bed sheet at bumaba ng kama. Napatakip ng bibig si Keith noong muntikan ng mahulog si Bible dahil sa liit ng mga bias nito at hindi nito maibaba ang paa sa sahig. Noong makababa ang bata nilingon niya si Keith. Umiwas ng tingin si Keith at biglang nagkainteres sa furnitures. Naningkit ang mata ni Bible. Nailing na lang si Sandro dahil sa pag-aasaran na naman ng dalawa. "Sa susunod Sandro magdadala ka ng ladder para naman hindi nahihirapan si lady Bible bumaba ng kama." Pinipigilan ni Leah matawa ang personal maid ni Bible matapos marinig na naman ang bardagulan ng dalawa niyang alaga. Sa kabilang room. May kausap na nurse si Bible. "Good girl. Here candy." Nakangiti ang nurse na inabutan si Bible ng candy na agad naman kinuha ng bata. May sinulat ang nurse sa log book niya. Sinabi ng nurse na maganda mga ngipin ni Bible at naalagaan mabuti. Nakangiti lang ang nurse. Lumapit ang nurse kina Sandro then tinanong ang mga ito kung nakaranas ng pang-aabuso ang batang babae. "May mga cut sa gilid ng labi ng bata at ganoon din sa left side ng dila ng bata." Dentist siya, tao din siya at isang ina. Masyadong bata ang new patient niya at hindi niya maiwasan mag-alala. Ini-explain ni Sandro ang sitwasyon at nandoon nga sila para kumpirmahin iyon. "Toys?" Nasa sasakyan na si Bible ngayon kasama si Keith at Sandro. Sinabi ni Keith na bibili sila ng mga new toys ni Bible. "I dont need toys." Sumagot si Keith ng yes dahil puro foods gusto ni Bible. Napasimangot ang bata at sinabi nga nito na hindi niya need ng toys. "Fine pero kumuha ka kahit na isa na toys . Hindi pwedeng puro junkfoods hawak mo. Magmukha ka 'man lang bata hindi patabain na baboy." Sinabi ni Bible na masarap ang foods. Hindi siya nagugutom kapag may foods. "Hindi ka na magugutom Bible kaya hindi mo kailangan ng maraming foods sa isang araw. Buti nga hindi sumasakit iyang tiyan mo walang kang ginawa kung hindi kumain. Tingnan mo nagiging siopao na iyang pisngi mo." Pinisil ni Keith ang pisngi ni Bible. Lumayo ang bata at sinabing don't touch. Huminto ang sasakyan sa isang toy shop. Bumaba na si Bible at Keith. Namangha si Bible dahil ang daming tao, mga bata at napakaganda ng lugar na iyon. Pinapapasok sila ni Sandro. May mga staff ang tumakbo palapit at agad na mga bumati. Mismong ang manager din ang nag-assist sa kanila. "Lady Bible. Tumingin-tingin ka na. Kuhanin mo kahit anong laruan gusto mo." Agad na ngumiti ang manager na babae at sinabing nasa kabilang area ang mga dolls para sa mga babae. "Magugustuhan mo iyon mylady." Agad na umiling si Bible at nagtago sa likod ni Leah na kararating pa lang at may hawak na maliit na bag para kay Bible. Napatingin si Keith sa bata then sa manager. tinanong ni Keith kung meron pang ibang toys doon na para sa batang babae bukod sa dolls.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD