Chapter 75 Kalaunan nakasuksok si Samantha ngayon sa gilid ng room at hawak ang dalawang tenga. Paulit-ulit nito sinabi na wala siyang kasalanan. Wala siyang ginagawa na masama. "Si Sandro ang demonyo hindi ako." Paulit-ulit binabanggit iyon ni Samantha. Hanggang sa napatigil siya nang magbukas-sara ang ilaw ng room niya. "Castro?" Tawag ni Samantha sa asawa. Tumayo ang babae para hanapin ang asawa na nagpaalam sandali para mag-order ng foods nila. After kasi mangyari ang m******e sa mga Pittman halos mawala na sa sarili si Samantha dahil sa takot. Hindi nito pinaaalis sa tabi niya ang asawa at paulit-ulit nito sinabi na may papatay sa kaniya. Babalik si Cole at maghihiganti ito. Dahan-dahan lumapit si Samantha sa pinto para buksan iyon. "Sammy, saan ka pupunta?" "Ahhh!" Napas