Ilang chapter na lang... Sorry for the delay update. Enjoy reading. Te amo! HIRAP na iminulat ni Rafael ang mga mata at ang puting kisama ang agad na sumalubong sa kanya. Tunog ng aparato ang nagbibigay ingay sa paligid at nalalanghap niya ang amoy ng gamot sa buong kwarto. Muli niyang ipinikit ang mga mata para alalahanin ang mga nangyari kung bakit siya nandirito ngayon. Ang oagsabog ng sasakyan, ang pagtilapon nila at ang duguang ulo ni Vance... Naimulat muli ni Rafael ang mga mata nang marinig niyang may punasok sa kwarto. Si Maximus kasama ang asawa nitong si Aaric habang kausap nila ang isang doktor. "He's stable and any moment he'll-" "A-Aaric..." Tawag pansin niya rito. "Rafael!" Agad siya nilapitan nito at ginagap ang mga kamay niya. "Thanks god you're awake." Sabi pa nito.