Chapter Twenty Two

1732 Words

NANANAKIT ang ulo ni Rafael nang magising ng umagang 'yun, pero pinilit pa rin niyang bumangon. Akala niya sa kanyang pagligo ay mawawala ang pananakit ng ulo niya, pero lalo lang bumigat ang kanyang pakiramdam. "Buenas dias, Señorito!" Good morning señorito! Masiglang bati sa kanya ni Presila nang dumating siya sa dining room. Naupo siya sa sentro ng lamesa. Sinapo niya ang sentido at mariin na pumikit. Mas dumoble pa ata ang pangingirot ng ulo niya. "Are you okay, Señorito?" Marahan siyang umiling. "Headache." Maikling sagot niya. "Mukhang napapadalas ata ang headache ninyo, Señorito?" Nag-umpisa na si Presila na lagyan ng pagkain ang pinggan niya. "Since you came back from the long vacation, laging nasa pain ang head mo." Conyo nitong sabi. Kunot noong tinaasan niya ito ng tingin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD