SAMANTALA... "Tingnan mo kung anong kagaguhan na naman ang pinasok ng anak mo!" Galit na inilapag ni Zild ang envelope sa harapan ng sawa nitong si Vivian. "Ano ito?" Kunot noong tanong nito. "Bakit hindi ikaw ang tumingin, para sabihin mo sa'kin kung ano nga ba 'yan?" Naguguluhang dinampot ni Vivian ang envelope kuway binuksan at agad na sinuri ang nilalaman ni'yon. Agad na nagimbal si Vivian sa nabasa at nakita sa mga litrato. "A-ano ang mga ito?" Naguguluhan pa rin na nag angat ng tingin si Vivian sa asawa. "Hindi ko alam! Hindi ko gustong paniwalaan ang lahat ng 'yan, dahil imposible talaga na aabot sa ganyang punto ng anak mo!" Nagpalakad lakad si Zild. "Where did you get this?" "Pinuntahan ako kanina lang ni Vance, and he give me that." Umarko ng isang kilay ni Vivian. "Ah!