Ngayong naglalakad na siya habang sinusundan si Hailey, saka niya lang napagtanto na nasa isa silang parking lot na nakapuwesto sa pinakailalim ng isang condominium. Sa paligid niya ay puno ng mga mamahaling kotse na may iba't ibang model at brand. Halos kahit saan siya lumingon ay kilala niya ang mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa parking lot. "You live here, Hailey?" amaze na sabi ni April habang patuloy pa rin na sinusundan si Lukas. "Oo. Ang gaganda ng mga kotse, ano?" tanong ni Hailey na kaniya namang sinagot ng pagtango-tango. "That's just the start, wait 'till we are inside the elevator here. Mas lalo kang mamamangha." "Bakit? Anong mayro'n sa elevator?" curious na tanong ni April na agad namang nasagot nang tuluyan silang nakasakay sa elevator. "Oh... my... god..." man