Huh? "Hindi naman ako magagalit, ah," nakakunot ang noo na wika ni April. "I know right. Hindi ka naman heavy sleeper para magalit ka sa oras na gisingan ka. I mean, you're probably tired but waking you up will never be a problem kasi mabilis kang magising. Ano nga ba ang nangyari at parang natakot pa yata sa iyo si Lukas ultimo simpleng paggising sa iyo ay ayaw no'n gawin?" tanong ni Hailey habang nakaguhit ang pagtataka sa mukha nito. "It doesn't matter, Hailey. Iba na lang pag-usapan natin," sagot ni April bago siya bumaba palabas ng kotse kapagkuwan ay sinarado ang pinto ng kotse. "Weh?" rinig ni April na sabi ni Hailey kung kaya naman nakataas ang kilay na nilingon niya ito. "What?" tanging sabi niya habang nakatingin kay Hailey na ngayon ay nagtataas-baba ang kilay habang nak