Ang unit ni Hailey ay may dalawang guest room. Natatandaan niya pa noon ang itsura ng unit noong mga bagong lipat pa lamang ang mga ito. Tumulong kasi siya sa paglilipat since kailangan niyang bumawi noon kay Hailey. Kakagaling lang sa renovation ang condo unit na nakuha ni Hailey at ng bago nitong kinakasama na si Gerald.
Ikinataka niya pa no'n kung bakit parehong naka-lock ang dalawang guest room na mayro'n ang condo unit nila Hailey ngunit dahil sa ipinagsawalang-bahala naman iyon ng kaibigan niya ay hindi niya na rin iyon inintindi tutal fully furnished naman ang buong lugar, akala na lang niya ay gano'n na rin ang mga guest room. Ganda-ganda pa si April noon dahil sa view na nakikita mula sa floor ng condo unit nila Hailey ngunit ang hindi niya inakala ay mas maganda pa tuwing gabi ang view na kaniyang makikita.
At dahil sa bisita siya ay awtomatikong doon siya mananatili. Naudlot rin ang plano niyang pagtabi kay Hannah dahil na rin sa pangungulit sa kaniya ni Hailey.
"Hay nako, ano pang silbi ng mga guest room sa bahay na ito kung iyong bisita namin ay hindi naman matutulog do'n," dagdag ni Hailey sa kanina pa nitong idinadaldal sa kaniya habang binubuksan nito ang pinto ng guest room kung saan siya mananatili habang nasa puder ni Hailey.
"Ano ka ba? Na-miss ko lang naman kasi si Hannah. Ilang buwan ko rin hindi naka-bonding ang anak mo," nakakangiting sagot ni April kay Hailey na ngayon ay pinihit pabukas ang pinto ng guest room.
Nakapatay ang ilaw sa guest room na kaniyang tutuluyan kaya naman namangha siya nang buksan ni Hailey ang ilaw sa buong guest room. One word to define the guest room. Vintage. Tila nagmukhang interior ng isang cottage ang guest room. Iyon ang first time na nakita niya ang guest room na kaniyang tutuluyan at kahit pa na vintage ang unang salita na pumasok sa isipan ni April, there was nothing wrong on it.
Kung tutuusin ay na-appreaciate niya ang pinaghalong aesthetic at vintage na tema ng guest room. Lalo pa at kita naman niya ang ebidensiya ng pagka-alaga sa kuwarto na iyon. Simula sa mga painting na na-appreciate niya ang pagkapinta hanggang sa furniture na gawa sa kahoy at tila kakabagong lagay lamang ng varnish.
I love this room. Piping sabi ni April sa kaniyang isipan habang dahan-dahan naglalakad papasok at nakatingin sa kabuuan ng guest room.
Bukod pa do'n, sobrang nagustuhan niya ang pagka-placing ng mga pang-indoor hanging na plants. Maging sa balcony na tanging sliding door ang pinto ay puno rin ng iba't ibang halaman at bulaklak.
"This room is breath-taking," komento ni April na ikinangiti naman ni Hailey.
"Sinabi mo pa. Kahit ako nagulat na ganito ang itsura ng guest room noong binigay na sa amin no'ng may-ari ng condo unit na ito ang dalawang susi para sa dalawang guest room na hindi namin mapunta-puntahan noong lumipat kami dito. I guess he has reason to protect the guest room from us since medyo bata-bata pa no'n si Hannah. Puro vintage pa naman ang mga importanteng gamit niya na sa huli ay ibinigay niya na lang sa amin ni Gerald," pagpapaliwanag ni Hailey na ikinatingin niya rito.
"Oh, buti hindi ka natakot. You know, since pinaglumaan na. Baka mamaya ay may naka-latch na entity sa mga gamit noong pinagbilhan niyo nitong condo," komento ni April.
Umiling naman si Hailey. Medyo natawa dahil sa sinabi niya.
"Sira. Hindi naman matanda may owner ng condo unit na ito. He looks like he's in his twenties. Mukhang binatang billionaire pero seryoso nga lang kausap. Nakakaintimidate nga noong na-meet ko iyon. He was wearing all black with matching fedora na aakalain mo, kagagaling lang sa lamay. Pero yeah, hindi naman ako naantok since kilala ko iyong may-ari. Siguro matatakot pa ako kung matanda pero hindi naman kaya kampante ako," ani Hailey na ikinatango-tango naman ni April.
"So it means, lahat ng nandito ay gamit noong dating may-ari nitong condo unit?" tanong niya na agad naman tinango-tanguan ni Hailey.
"Yep. Nakakatuwa nga, e. Kasi kahit vintage na iyong mga gamit niya at napaglumaan, mukha pa rin matibay at bago. Unting punas lang ay makintab na. Parang nakakaano nga rin kasi obvious naman na iningatan niya itong lahat para lang ibigay niya sa amin ni Gerald," komento ni Hailey na muling sinagot ni April ng pagtango.
"Does it mean may mga vintage pang gamit do'n sa kabilang guest room?" casual na tanong ni April bago nilapitan ang isang abstract painting.
"Actually, do'n sa kabilang guest room, wala talaga iyong halos laman noong unang pasok namin do'n. Ang tanging nando'n lang ay isang statue. Kumbaga cast stone. Medyo nangilag pa nga ako noong una kasi parang ang creepy na may statue sa isang kuwarto pero noong nakita ko naman ng buo iyong statue, naging palagay na loob ko. Ang ginawa nga lang muna namin ni Gerald ay dinadagan ng kama at ilang furniture na galing dito iyong guest room na iyon kasi minsan din ay napapabisita ang mga kaanak ni Gerald dito, doon namin sila pinatutuloy."
Interesting. Curious si April sa statue na tinutukoy ni Hailey. Gusto niya iyon makita ngunit dahil na rin sa gabi na, ipagpapabukas niya na lang iyon tutal din naman ay magtatagal siya sa puder ni Hailey.
"Anyway, alam ko mari-relax ka dito. I hope it will help you to write your next novel," sabi ni Hailey na ikinangiti naman ng mapait ni April.
"I'm going to resign, Hailey," sabi niya na mukha naman ikinalungkot ni Hailey. "Ayaw kong mag-stay sa kompaniyang iyon. Ilan sa mga katrabaho ko ro'n ay alam na kasintahan ko si Julian since may ilan na nakakita noong hinahatid-sundo niya ako. I can feel some of them, especially the women, hated me for being with Julian. And now that Macy is pregnant with Julian's child, I don't think I can still face them."
Kahit na sa pakiramdam ni April ay kawawa na siya, kahit papaano ay ayaw niyang magmukhang kawawa sa lahat sa oras na lumabas na sa publiko ang pagdadalang-tao ni Macy Perada at ang relasyon nito with Julian. Kahit na tinapak-tapakan na ang kaniyang p********e. April is finally not choosing to hide.
She will not stay on the ground, wondering what's wrong with her. Instead, she will do whatever it takes to forget Julian and this time, she will always think about her worth. She did not lose Julian, because Julian lost her.