Resignation letter, sent! Mapait na ngumiti si April habang nakatingin sa screen ng kaniyang laptop. Iyon ang pinakauna niyang ginawa pagkatapos niyang magising mula sa masarap niyang pagkakatulog sa guest room na tinuluyan niya. Since matagal na rin naman siyang may mga naka-ready na template para sa resignation letter niya, wala pang isang oras ay natapos niya kaagad ang kaniyang resignation letter. Sakto lang din na kinatok siya ni Hailey para sa breakfast. Nakangising pumasok si Hailey sa kuwarto habang nakatingin sa kaniya na nakasuot ng malaking anime pajama. It’s her Nezuko day kaya naman ang kaniyang malaking pajama ay may disenyong pink kimono. “No wonder Julian tasted another woman, tsk,” natatawang sabi ni Hailey nang tumigil ito sa tabi niya. Hindi naman siya na-offend