“Nerd,” Monique said before turning her back on her, leaving her with her crushing low self-esteem.
Napailing na lang siya at winaglit sa isipan niya ang sinabi nito. Hindi niya rin ma-gets ang pinupunto ng babaeng ‘yon. Wala naman si Monique mapapalala sa pang-aasar sa kaniya ngunit kung magiging gano'n pa rin ang trato nito sa kaniya ay wala na siyang magagawa.
Don’t tell me nainis siya dahil may nagpadala sa akin pero siya ang nakatanggap?
Napailing na lang si April. She’s hurt pero wala naman siyang magagawa. Sanay na siya sa kahit anong negatibong salita na binabato sa kaniya dahil lang sa itsura niya.
She can’t really please some people so that they will like her. Because the problem is, if she chooses to please those people, para na rin niyang pinatunayan na nabubuhay siya para lang magustuhan siya ng mga tao. And she doesn’t want it. She doesn’t care what others think about her.
Kahit anong uri pa ng pagtingin or tawag ang matanggap niya. Ang mahalaga sa kaniya ay ang mga taong pinapahalagahan niya. Ang pamilya niya. Si Hailey at ang kaniyang kasintahan na si Julian.
Muling napatingin si April sa hawak niyang brown envelope. Binuksan niya iyon at dahan-dahang inilabas ang mga laman. Mga litrato iyon. Litrato na nagdulot ng walang katumbas na sakit hindi lang sa kaniyang pagkatao kung hindi pati na rin sa kaniyang puso.
It’s not a love letter. Not even about paperwork but proofs. Evidence of Julian who’s making her a fool. Tanga, gaga at walang kuwentang karelasyon. It’s photos of Julian having s*x with different women.
And the photos really hurt her, big time. Bawat litrato at anggulo ay tila saksak na rin sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay paulit-ulit siyang sinasaksak sa bawat litratong nakikita niya.
Mabilis na napaluha si April habang nararamdaman ang dibdib niyang parang sasabog dahil sa sakit. Gusto niyang isigaw ang sakit na nararamdaman niya pero wala siya sa tamang lugar para ipakita ang hinanakit niya kay Julian.
Gusto niyang magtanong. Gusto niyang maliwanagan. Gusto niyang marinig ang paliwanag sa kaniya ni Julian kung bakit nagawa nitong lokohin siya. Kung bakit mas naisip nitong lokohin siya kaysa isipin ang pinagsamahan nilang dalawa.
Kahit na may katagang kahit ang mga kasal ay naghihiwalay, ayaw niyang isipin na niloko siya ni Julian dahil sa hindi niya maibigay ang katawan niya kaya naghanap ito ng ibang babae para ibigay ang hindi niya maibigay.
I can’t understand this! s*x na lang ba talaga ang mahalaga?
First-anniversary nila pero hindi ito ang inaasahan niya. She’s so hurt, she can’t even push herself to stand up and get something to eat. Lipas na siya kain pero ayaw niyang kumain. Nagtrabaho siyang masakit ang puso. Nagtitipa na may masamang loob.
And because of the pain Julian had caused her, April's self-confidence was crushed. Her heart became numb. And all she can think of was breaking up with Julian.
IT was seven in the evening when she got home. Ilang oras din siyang naghantay sa labas ng building ng kaniyang pinagtatrabahuan dahil pinadalhan siya ni Julian ng text na susunduin daw siya nito. Umasa siya na talagang pupuntan siya ng kaniyang kasintahan ngunit mag-iisang oras na ay walang dumating na Julian. Umasa siya na kahit niloko siya ni Julian ay mahal siya nito at may pakialam ito sa kaniya pero sa huli ay nagmukha pa rin siyang tanga.
Kung kaya't habang nasa loob ng taxi at bumabiyahe ay patuloy siyang umiiyak. Kahit na namamaga na ang mata niya at natataranta na ang matandang Driver sa pagpapatahan sa kaniya ay patuloy siyang umiyak hanggang sa makarating siya sa tapat ng kanilang building. Basang-basa na ang kaniyang pisngi sa kakaiyak ngunit wala sa isip niya ang kaniyang itsura. Kahit na pinagtitinginan na siya ng mga tao ay wala siyang pakialam. Kahit pa na tapunan siya ng kahit sinong tao ng nakakaawang tingin, wala sa kanila ang atensyon ni April kung hindi nasa nobyo niyang ginawa siyang tanga.
Nakarating si April sa kanilang apartment na patay pa rin ang mga ilaw kung kaya't alam niya na wala pa si Julian sa mga oras na iyon. Nanghihina na binuksan niya ang ilaw sa buong apartment kapagkuwan ay pumunta sa kuwarto nila Julian. Matamlay siyang nagbihis pagkatapos ay pumunta sa sala para lang tumulala habang hinihintay ang pag-uwi ni Julian.
Hindi niya rin magawang kumilos. Hindi niya magawang makapagluto o kaya naman maglaba ng damit nila Julian dahil na rin sa naaalala niya ang ginawang panloloko ni Julian. Usually kasi ay nagluluto siya ng dinner na sabay nilang pagsasaluhan ni Julian o kaya ay maglalaba siya na naabutan siya nito at tutulungan, bagay na mas ikina-in love niya kay Julian dahil napaka-thoughtful nito.
But now that she knows Julian is cheating behind her back, she can't even move around the apartment because it reminds her of their happiest moments together. Labis ang paninikip ng dibdib niya habang naaalala ang bawat masasayang alaala niya kasama si Julian. Ang bawat lambing nito sa kaniya na nagdudulot ng malakas na pagtibok ng puso niya para sa lalake. Angbawat matatamis nitong halik na laging
Hindi lang rin puso niya ang nasaktan kung hindi pati na rin ang buong pagkatao niya dahil ang mga litratong nakalatag sa babasagin table na nasa harap niya ay sapat na para maging ebidensiya na hindi rin talaga magagawa ni Julian na makuntento sa kung ano lang ang kaya niyang ibigay habang magkasama sila. Umasa siya na iba si Julian sa mga exes niya. Inakala niya na magkakaroon na siya ng matinong relasyon kasama si Julian na walang hinihingi sa kaniya ngunit sa huli ay nagmukha pa rin siyang tanga. Tangang umasa na mayro'ng lalake na magmamahal sa kaniya ng buo. Isang lalake na hindi siya pipilitin na makipagtalik.
Muling napaiyak si April habang pakiramdam niya ay sobrang tanga niya. Gano'n ba talaga ako hindi ka-enough? Kahit naman mukha siyang manang ay pinakita niya naman ang dedikasyon niya sa relasyon nila ni Julian. She has exerted too much effort to make Julian feel her love. Pinagsilbihan niya ito at pinasaya sa paraang kaya niya ibigay. Kaya naman hindi niya rin matanggap na nagawa siyang lokohin ni Julian dahil lang sa s*x.
Ayaw man aminin ni April ay nagsisimula na maging matigas ang kaniyang puso. Pagod na siya masaktan at paulit-ulit na lokohin ng mga taong inakala niyang iba sa mga taong sinaktan siya. Why do they always need something anyways? Sa tuwing may mga bagong tao siyang nakikilala, hindi niya agad nalalaman ang mga pakay nito. Lagi na lang siyang nasasaktan sa huli. Lagi na lang siyang napapaniwala at lagi na lang rin siyang nauuto.
And she hated it. She hates herself for being foolish. She hates herself for being small-minded. And she should have known that Julian will never be faithful to her. Julian showed her signs but she never thinks of Julian's actions badly. Natabunan ng maamo ngunit guwapo na mukha nito ang matagal na nitong habol sa kaniya. Julian could never be faithful as the bundle of pictures sent to her were enough proof of his actions. That Julian is a w***e kind of man who's having fun of making her a fool. The kind of man who loves s*x but never wished for a healthy relationship just like she always wanted.
"Am I really not good enough?" tanong ni April sa sarili kapagkuwan ay pinunasan ang mga tumutulong luha sa kaniyang mata.
Huminga siya nang malalim pagkatapos ay pinakawalan iyon bago niya niyakap ang kaniyang mga tuhod habang nasa itaas ng malambot na couch na nasa sala.
Ayaw niyang magmukhang emosyonal kaharap si Julian. Ayaw niyang makita siya nito na mahina at uhaw sa simpatya. Ayaw niyang kaawaan siya nito sa oras na makita siya nitong umiiyak. Gusto niyang makausap ng seryoso ang kasintahan niya nang sa gano'n ay matimbang niya kung anong dapat niyang gawin sa oras na matapos na silang mag-usap.
April doesn't even know if she wanted to fix her relationship with Julian. She had cried enough because of men who don't have the balls to be faithful without needing something in return. IIang beses na siyang umiyak dahil sa mga panloloko at pang-gagagong natanggap niya.
May pagkakataon na rin na sinubukan niyang magpakamatay dahil lang sa hindi lang siya niloko ng lalakeng pinaniwala siya. Gian is one of her crush back then but it turns out that Gian was a bully. Nang ma-notice siya nito, labis ang saya niya. Kahit pa na alam niyang may girlfriend si Gian ng mga panahon na iyon, masayang-masaya na siya na napansin siya na siya nito. Ngunit nang makilala niya ang tunay na pagkatao ng taong hinahangaan niya, labis ang pagkabigla at takot na naramdaman niya nang bigla na lang siyang marahas na halikan ni Gian.
April felt violated so she did what she thinks is right to do. She hit Gian below his belt. Nabigla man sa kaniyang ginawa ay mabilis na lumayo si April kay Gian habang rinig niya ang galit nitong sigaw para sa kaniya.
And after not getting what Gian wanted from April, Gian spread words. Names that could easily make April break down. Hindi lang siya nagawang abusuhin ni Gian, pinagkalat pa nito na malandi siya which is not true dahil noong mga oras na sinusubukan siyang halikan ni ay alam niyang may girlfriend na ito.
Kaya todo rin ang galit niya kay Gian kahit na crush niya ito. Na dahil lang sa hindi nito makuha ang gusto sa kaniya, pinaranas nito sa kaniya ang isang taong impyerno sa kolehiyo. At sa tulong ng girlfriend nitong kilala bilang isa sa magaganda sa kanilang campus, nagawa ng girlfriend ni Gian na bigyan si April ng mga estudyanteng mangbu-bully sa kaniya.
Ang damuho ang tunay na malandi at hindi siya pero dahil na rin sa wala siya halos nagiging kaibigan, mag-isa niyang tinanggap ang pasakit na dinala ni Gian sa kaniya. Hindi lang berbal na pangbu-bully ang natanggap niya kung hindi pati na rin pisikal. To the point na nagkakaroon na siya ng break down at napapaisip na siyang magpakamatay.
Lao na't for the first time ay nasaktan siya dahil lang sa crush niya. Labis pa naman ang paghanga niya noon kay Gian dahil sa pagiging magaling nitong basketbolista ngunit nang malaman niya ang tunay nitong ugali, paghihinayang at sakit na naramdaman niya.
At walang pinagkaiba ang naranasan niya kay Julian sa naranasan niya kay Gian.