“That’s exactly the point. Ayaw mo siyang pagbigyan. It could be the reason he wanted to cheat behind your back. Normal nga but your man would not want everyone to see something couples should do in private. He must be protective of you. Not showing you off like that like he has no respect for you at all,” April stated in her sincere tone.
Napabuntong-hininga na lang siya. “Don’t worry, Hailey. I’m being careful. Kaya nga iniiwasan ko, hindi ba? By the way…” Napatingin si April sa kaniyang wristwatch.
May oras pa naman siyang kumain bago pumasok sa trabaho pero mahihirapan pa siyang mag-commute. Isasantabi na lang muna niya ang mga nalaman niya kay Hailey. Ayaw niyang maging trabaho niya ay madamay. Kahit pa na ramdam niya pa rin ang sakit dahil sa mga nalaman niya, kailangan niya pa rin na pumasok sa trabaho.
“Hailey, let’s talk later. Kakain pa ako bago pumasok.” Hindi na siya nagpaalam pa kay Hailey at pinindot na lamang niya ang end call.
She knows it's rude to hang up like that on her best friend but she needs space. Lalo na at nag-uumpisa na naman ang kinakatakot niya. Nangyari na sa kaniyang nakaraan ang muling nangyayari nga. Masakit man isipin pero laging sa ibang tao niya pa nalalaman kung gaano kagago ang mga nagiging kinakasama niya. Nakakahiya man na lagi siyang nagmumukhang tanga, kahit papaano ay may natututo siya dahil sa mga ipinaras sa kaniya ng exes niya.
April wants to have faith in Julia and she's praying that Julian would never cheat behind her back. Hindi pa naman kumpirmado na si Julian nga ang nasa video na pinakita sa kaniya ni Hailey pero hindi niya rin maiwasan na masaktan. Especially because of her past relationships, it made her have trust issues. Kaya naman hindi na niya alam kung ano pa mangyayari sa kaniya sa oras malaman niya na niloloko nga siya ng kinakasama niya. It hurts her just thinking about Julian having s*x with some w***e.
Sana nga ay hindi talaga siya niloloko ni Julian dahil lang sa hindi niya maibigay ang gusto nito. Okay pa sa kaniya na niloko siya ni Julian dahil sa hindi siya nito kayang maiharap sa mga kaibigan nito pero sa oras na malaman niyang dahil iyon sa s*x, hindi na niya alam kung anong mangyayari pa. Pakiramdam niya ay pagod na siya. Sa mga klase ng lalake na nakilala niya, hindi niya alam kung magiging ready pa siya ulit sumubok.
She said that she will not lock her heart for another relationship but every heartbreak makes her doubt herself if someone somewhere can really love her without wanting to have anything from her. Ayaw niya man maging matigas ang puso niya ngunit ano nga ba ang magagawa niya kung napapagod rin siya.
April sighed as she stood up and look around Julian's apartment. Thinking already of how she's going to miss the place as she has grown fond of the place. The place where she imagined every scene of her and Julian's love once they get married.
Napasigok si April nang mapagtanto na umiiyak na pala siya. "s**t, bakit ang drama ko?" Hindi pa naman kumpirmado na niloloko talaga siya ni Julian pero nasasaktan na talaga siya. Hays!
Inayos ni April ang sarili bago nilapitan ang fridge para maghanap ng agahan. Mabilis siyang nagluto ng bacon at egg kapagkuwan ay kumain bago umalis papasok ng trabaho. Ilang oras din siyang nag-commute hanggang sa makarating na siya sa tapat ng building na pinagtatrabahuan niya.
Pagkapasok niya sa gusali ay agad siyang dumiretso sa office niya. Tamang-tama lang at nakahabol pa siya sa tamang oras ng trabaho niya. Hinihingal pa siya at pinagpapawisan nang marinig niyang tumunog ang fone niya. May chat sa kaniya si Hailey at mukhang na-sent ang chat bago pa siya bumiyahe.
Hailey Bautista: Gaga ka! Pinatayan mo ‘ko! Anyway, love you best. Keep safe, okay?
Naiiling siyang ngumiti bago nag-type ng reply.
April Patricio: Thank you, best. Keep safe na rin.
She let herself chill for a moment. April took her handkerchief and wipe her oily face then after that, she wore off her eyeglass. She applied a thin amount of powder on her face before wearing her eyeglass again. Kinuha ni April ang baon niyang salamin sa kaniyang drawer at muling napatitig sa mukha. Matapos makita ang kaniyang itsura ay napabuntong-hininga na lang si April.
Thinking about the woman in the s*x video makes her suddenly conscious about her looks. Especially that the woman in the video looks so sexy. Pakiramdam niya ay walang-wala siya sa babaeng katalik ng inaakala nila ni Hailey na si Julian. Alam niya na kahit papaano ay may itsura siya lalo na't ang Ina niya ay isang beses na rin tinagurian na beauty queen ng kanilang bansa ngunit hindi niya nadala ang pagiging presentable nito sa lahat ng bagay. Gusto man niyang maging maayos ay hindi niya magawa dahil maging sa make up ay malas siya. May allergy siya sa mga make up kung kaya't hanggang pulbos lang rin ang naia-apply niya sa mukha niya.
Napabuntong-hininga na lang si April habang iniisip ang mga napag-usapan nila ni Hailey. They are both not sure that it’s not Julian in the s*x video but she really feels different after knowing the s*x video and talking with Hailey. Thinking of Julian and their anniversary. Kamusta na kaya siya? Ni hindi niya malaman kung magkasama na si Julian at ang kapatid nitong maldita.
Napatingin si April sa kaniyang cell phone kapagkuwan ay mabilis na kinuha iyon. She's thinking of sending Julian a chat kaya naman mabilis niyang in-open ang kaniyang messenger.
And he's online? Napataas na lang ng kilay si April pagkatapos ay pinindot ang pangalan ni Julian para i-chat ito.
April Patricio: Where are you? Magkasama na ba kayo ni Ate Jessa?
Minutes passed. Masama na ang loob ni April pero wala pa rin siyang natatanggap na reply mula kay Julian. Bagay na ikinainis niya dahil usually naman ay nagre-reply agad si Julian sa kaniya. Naka-offline na rin ang kaniyang kasintahan sa huling pagsilip niya sa active status nito. Napahinga na lamang siya ng malalim habang nakatitig sa screen ng fone niya.
She sighed, suddenly feeling lazy. Pakiramdam niya ay may gusto siyang gawin na hindi niya rin naman magawa dahil bawal siyang umalis bigla sa trabaho. Hindi siya mapakali habang okupado ng isip niya si Julian at ang sinent sa kaniya na video ni Hailey. Gusto niyang alamin kung nasaan si Julian at magtanong kung may alam ito tungkol sa video na pinakita sa kaniya ni Hailey.
Ayaw niyang magmukhang clingy lalo na’t kasama pa ni Julian ang nakakatanda nitong kapatid pero iba ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya parang may maling mangyayari. Kahit rin na gusto ni April na respetuhan ang oras ng Ate ni Julian sa kaniyang boyfriend ay hindi siya makapag-isip ng tama lalo na at hindi niya rin talaga lubusang mapagkatiwalaan ang Ate ni Julian.
Umiling-iling si April pagkatapos ay napabuntong-hininga. Focus, April. Pagtutulak niya sa kaniyang sarili bago binuksan ang kaniyang PC. Kailangan niyang kumilos. She has ton of encoding to do. Saka na lang niya haharapin ang nakakapagpagulo ng isip niya kapag nakauwi na siya. Kahit nangangati siya na kontakin si Julian ay pinilit niyang magpokus muna sa trabaho.
Kasalukuyan siyang book editor sa isa sa mga kilalang publishing company. She’s an employee on day, freelance writer at night. Matagal na siya sa trabaho samantalang tatlong taon na rin siyang nagsusulat ng mga nobelang ilang beses na bumenta under ng mga kilalang publishing house kaya naman kilala siya sa likod ng pen name niyang TrueInApril kung saan nagsusulat siya ng mga nobelang may halong pantasiya. She made herself anonymous kaya naman tuwing may signing event din siya ay naka-mask siya habang suot-suot pa rin ang nerdy eyeglass niya. Ayaw niyang magpakilala sa lahat dahil kagaya na rin ng rason niya, gusto niya ng privacy.
NANANAKIT na ang likod ni April nang mapansin niyang lipas na siya sa oras ng lunch. Napahilot siya sa kaniyang batok habang ini-stretch ang sarili sa upuan nang biglang pumasok ang isang taong hindi niya ini-expect na lalapitan siya.
“Hey, April.”
It was Monique. Katabi niya lang ito ng office pero hindi niya ito halos nakakausap. She knows Monique doesn’t like her. Halata sa kilos nito nang minsan niya itong kausapin. Natatandaan niya pa kung paano siya nito nginitian ng peke kung kaya't alam niya na hindi siya nito gusto. Monique is a real sexy chic. Maganda, matangkad at makinis ang balat ngunit pagdating sa ugali ay bagsak ito. Kung pumorma rin ito ay halos kulangin na sa tela. A type of woman who’s not like her that wears baggy clothes.
“A-ano iyon?”
Pakiramdam niya ay nanliliit siya. She felt so small the way Monique face her. Napaka-confident nito at maganda samantalang siya’y tago at simple. May choice siya para magbago ngunit ayaw niyang magbago. Maganda naman siya kung wala ang salamin at damit niyang nakapagpamukha sa kaniyang manang ngunit ayaw niyang magbago kung para lang din tanggapin siya nang mga tao sa paligid niya.
Napakunot ng noo si April nang tumingin si Monique sa kaniya na para bang nanunuri habang may ngisi sa labi. “I received something today. Akala ko nga isa sa mga admirers ko eh… though it wasn’t mine.” Ipinakita nito ang isang brown envelope pagkatapos ay nilapag sa table niya. “It’s yours.”
“A-akin?”
“Yeah, yours,” sagot nito na may halong pagkairita kapagkuwan ay inikutan siya ng mata.
Nag-aalangan siyang kinuha ang envelope Napatingin pa siya kay Monique na nakahalukipkip ang mga braso bago niya muling ibinalik ang tingin niya sa envelope. Napatitig siya sa pangalan niyang nakasulat sa taas na bahagi ng envelope. Pangalan niya lang ang nakalagay dito ngunit kahit anong mga impormasyon tungkol sa sender ay wala.
“A-ahm… thank you, Monique,” nauutal niyang sabi.
Monique just grinned. “Alam mo, I really don’t like you.” Biglang sabi ni Monique at lumapit sa lamesa niya. Monique put her right hand on the top of her table and leaned closer to her. “Whoever sent you that envelope, I hope he woke up from dreaming,” ani Monique kapagkuwan ay umatras na may ngisi pa rin sa labi.