Naalala kaya niyang anniversary naming dalawa? Agad na naramdaman ni April ang pagsikip ng dibdib niya. Thinking that Julian forgot their anniversary is going to make her really disappointed if ever. First anniversary nila pero mas nauna pa nitong asikasuhin ang Ate nito.
Napabuntong-hininga na lang si April at tumayo para ayusin ang kanilang higaan. Pagkatapos niyang mag-imis, agad rin siyang naligo kapagkuwan ay nagtimpla ng kape at nagbihis.
She wore a black polo with abstract print on it and paired it up with high-waist pants and bulky sneakers.
Humarap siya sa human-sized mirror at napatitig nang maigi sa sarili. I looked like a nerd. Napailing-iling siya at ngumiti sa kaniyang sarili sa harap ng salamin. She thinks all the positive thoughts she had in mind until her phone rang. Kinuha niya ito sa loob ng bag niya at tinignan ang caller.
Hailey wants to video chat with you…
“Oh? Ano na naman kaya chika niya sa akin ngayon?” Naiiling na tanong ni April sa sarili bago sinagot ang tawag.
“Lokaret!”
Agad na napahawak si April sa tainga niya matapos sumigaw ng bruha niyang kaibigan na ngayon ay nanlalaki ang mata na nakatingin sa kaniya.
“May chika ako pero pucha! Best, nanggigigil ako!” naiinis na sabi ni Hailey habang may itina-type itong kung ano sa video call base sa naririnig niyang tipa ng keyboard.
“Ano ba iyon at gigil ka, Hailey?” tanong niya rito. Nakita niya ang kape niyang hindi pa nababawasan.
Kinuha niya ang kaniyang kape at sumimsim pagkatapos ay umupo siya sa stool na malapit sa counter ng kanilang kusina.
“Best! Tungkol sa ‘yo ito. Tignan mo!”
Nakakunot-noong tinignan ni April ang ipinasa sa kaniyang link ni Hailey. Nang pindutin niya ang link ay dumirekta iyon sa isang kilalang porn site. Nanlaki ang mata ni April at mabilis na umiwas ng tingin mula sa mga babaeng nagtatalbugan ang dibdib na bumungad sa screen ng cell phone niya.
"Jusko, Hailey! Ano na naman ito?! Sinabi ko na sa iyo, hindi mo ako mapapanood nito!" asar na sabi niya habang hindi pa rin tumitingin sa screen ng cell phone niya.
"Ano ka ba? Pop up lang iyan ng website! Pindutin mo na lang iyong ekis para mawala tapos i-play mo ang video dahil kailangan mong makita iyan!" may pang-gigigil na sabi ni Hailey na ikinabuntong-hininga ni April.
Napakabaliw talaga ng kaibigan niya at dinadamay pa siya sa pagiging mahilig nito. "Ano ba itong gusto mong ipakita at kailangan pa talaga dito sa porn site na ito mapanood," tanong ni April at nakangiwing pinindot ang sinasabing ekis ni Hailey para mawala ang pop up.
"Common sense, April. Masyado ka na talagang inosente. Sa susunod, susubukan nga kitang lasingin at ipakilala sa kilala kong mga lalake para magka-experience ka na," sabi ni Hailey mula sa video call at inikotan siya ng mata na ikinailing niya na lang.
Bumangad sa kaniya ang isang video na may play button sa gitna. Humugot ng hinga si April kapagkuwan ay ibinuga iyon. Here goes nothing. Pinindot niya ang play button pagkatapos ay sumimsim ng kape.
Sa una ay naka-black lang ang video hanggang sa biglang lumitaw ang content no'n na naka-black and white. Naibuga niya ang kape matapos makita nang malinaw ang gustong ipakita ni Hailey sa kaniya.
Indeed, it's about her.
Nanlalaki ang mata ni April na nakatingin sa kape na ngayon ay nasa sahig matapos niya itong mabuga kapagkuwan ay napatingin sa video na naka-play ngayon sa screen ng fone niya.
“Ano ‘to, Hailey? Saan mo ito nakuha?” she asked, feeling hurt and anxious. Nanginginig ang kamay ni April at pakiramdam niya ay mabibitawan niya ang kaniyang kape kaya naman inilapag niya muna iyon sa kitchen counter bago muling hinarap si Hailey sa screen ng cell phone niya.
Nanghihina siya at tila binagsakan siya ng langit. Naninikip ang dibdib niya habang pinapanood ang scandal na ipinapakita sa kaniya ni Hailey.
“From Gerald, of course. Alam mo naman ‘yon.” Hailey chuckled. “Young, wild and but not free. Pero seryoso, this is f*****g Julian, right?”
Umiling siya. “N-no. This is…”
The man on the video has the same body built as Julian. Even the rose tattoo on Julian’s back is the same as the man on the video. Habang nakahiga na sa kama ang babae na hinahalikan ng lalake, the man touched the woman’s breast inside her blouse.
Rinig niya ang ungol ng babae sa video habang niroromansa ito ng lalake na hindi masyadong nakaharap sa camera. Tinitigang mabuti ni April ang lalake na nasa video habang bumibigat ang pakiramdam niya. Bawat ungol ng babae mula sa video ay gano'n rin ang paglala ng sakit na nararamdaman niya.
“God… Julian…”
“Best, is Julian cheating behind your back? Hindi pa ito kalat. Pinakita lang sa akin ni Gerald dito sa isang website na alam mo na.” Nahihiyang nagkibit-balikat si Hailey sa kaniya.
“Pe-pero… si Julian. This is not him. Celebrity siya. A-alam niyang makakasama ito sa kaniya. Hindi magagawa sa akin ito ni Julian. He loves me,” nanghihinang sabi niya at tinanggal sa screen ng fone niya ang s*x scandal kapagkuwan ay napaupo sa stool malapit sa kaniya.
“He won’t… He will not…” Napailing siya at sinapo ang kaniyang mukhang. She felt her heart clenching inside her chest. Just the thought of Julian cheating really pained her already. She felt so fragile at the moment as she remembers Julian being romantic to her.
“I don’t know, April. Hindi man nakaharap ang lalake sa video na ito para makilala mo ang mukha but I still want you to know this.” Bumuntong-hininga si Hailey habang nakatingin sa kaniya na may pag-aalala. “I have a really bad feeling about this. Kilala ko si Julian pero mas kilala mo siya. You’ll know what to do, okay?”
April nodded as an answer to Hailey’s question. “Y-yes. I know but… he can’t be cheating on me. I’ve felt his love for me, Hailey. Ramdam ko.”
Ayaw niyang paghinalaan si Julian. Nakasama na rin niya ito nang matagal. Kahit nagpapakita ito nang signs na gusto nitong makipagtalik sa kaniya at tinatanggihan niya, alam niyang hindi siya nito lolokohin.
Isang artista si Julian. Ilang taon na itong nasa mundo ng showbiz at kahit papaano ay napanatili nitong maganda ang reputasyon. Alam niyang hindi gugustuhing masira ni Julian ang sarili nitong career.
Sa mundo ng mga artista, umpisa pa lang ay kailangang maging perpekto na sa mata ng lahat. Kailangang walang bahid ng dumi sa kuwento at buhay ng isang artista dahil kahit anong pagtatama ang mangyari ay babalik-babalik ang nakaraan dahil likas sa ilan tao ang maging mapanghusga. Na-realized niya iyon habang kasintahan ng isang artista na kagaya ni Julian kung kaya't siya pa mismo ang naghikayat sa lalake na huwag siyang ipakilala lalo na't gusto niya rin ng privacy.
“By the way, where’s Julian right now? Did he hear us? Nandiyan ba siya? May schedule ba siya ngayon?” biglang tanong sa kaniya ni Hailey na sinagot niya ng iling kapagkuwan ay tinanggal ang mga luha sa kaniyang mata.
“No. Kakadating niya lang kagabi from his fansigning event. Pinuntahan niya ang Ate niya sa airport kanina lang. Kakauwi lang galing South Korea,’’ lutang niyang sagot kay Hayley.
“Oh, hindi ka pala maihahatid sa trabaho mo? Bakit hindi ka na lang sinama, hindi ba? Iisa lang ang kotse niyo ni Julian,” inis nitong sabi habang nagta-type sa laptop nito. Alam rin kasi ni Hailey ang kasunduan nila ni Julian na ihahatid siya nito sa trabaho kung kaya't mas lalo siyang na-disappoint.
“Hayaan mo na, Hailey. Alam ni Julian at ramdam niyang hindi rin ako komportable kasama ang Ate niya sa iisang lugar,” aniya pagkatapos ay nilapag ang fone niya at tumayo para kumuha ng mop.
“Pero seryoso nga, hindi ka ba magawang bilhan ng kotse ni Julian? Ang hirap mag-commute ngayon, April,” asar na sabi ni Hailey.
Nang makuha ni April ang mop, agad siyang bumalik sa natapon niyang kape at nilampaso ito. “Ano ka ba, Hailey? Isang taon pa lang naman kami ni Julian. Hindi pa kami kasal. Ayaw ko rin humiling sa kaniya kasi mas gusto ko na siya ang mag-isip nang kung anong dapat ibigay niya sa akin.”
“Since nabanggit mo iyang kasal. Isa rin iyan sa naiisip kong reason kung bakit gugustuhin magloko ni Julian,” ani ni Hailey dahil para agad niyang bitawan ang mop at kinuha ang fone niya para tignan si Hailey.
Seryoso din nakatingin sa kaniya sa Hailey na para bang tinitignan nito ang reaksyon niya sa sinabi nito. “Really, Hailey? Ano bang gusto mong palabasin? Sa video mong pinakita sa akin. He only has that tattoo the same with Julian on his back but it doesn’t mean that it is really Julian. You do know there’s a billion dude who would tattoo the same with him.”
“April, I’m just saying. I’m your best friend. I know what concerns you or not. And I freaking care of you, April. I don’t know but every time I visit you there while Julian is around, all I can see is he’s trying to seduce you. Like he wanted to eat you.”
Natawa si April. Hindi niya alam kung magagalit siya or kakalimutan na lang ang nasabi ng kaibigan. Tama naman ang sinasabi nito. Lantaran ito kung harutin siya kahit nasaan sila at sino ang kasama nila.
And she just thinks of it as one of Julian’s charms. Makulit ito at fan ng public display of affection pero bukod do’n, ramdam niyang mahal siya ni Julian. Dahil kung hindi siya nito mahal ni Julian, umpisa pa lang ay hindi na dapat siya niligawan at mapapansin nito. She wears baggy clothes and all that makes her look like an old-maid pero kung ano rin ang mga nasasabi sa kaniya ng mga tao, wala rin pakialam ang binata.
Nakikita niyang tanggap siya ni Julian sa kung anong appearance ang mayro’n siya. Kahit kailan ay hindi naging bully sa kaniya ang kasintahan.
“Normal iyan, Hailey. We are a couple. Though, I don’t like him being like that to me. Alam mo naman ayaw ko pa isuko ang bataan hanggang sa makasal na kami.” April said, sighing.