Malaki ang ngiti na nasa labi ni April habang nakatitig sa lalakeng katabi niya. Tulog na tulog ito kung kaya naman hindi siya masyadong kumikilos. Ayaw niya rin kasi itong magising dahil alam niyang pagod mula sa fansigning event. Gusto niyang makapagpahinga ito habang may free time pa bago na naman sunod-sunod na dumating ang mga proyekto nito.
"I'm so lucky," mahinang bulong niya habang tila nagniningning ang mga mata na nakatingin sa boyfriend niyang artista.
She can do it all day. The staring and the feeling of her heart like it's going to burst out of her chest as she continues to stare at the man beside her. Maaga siyang nagising at dapat rin ay kumikilos na siya ngunit wala talagang makakapigil sa kaniya na ma-appreciate ang klase ng boyfriend na mayro'n siya. It was seven in the morning already and she should be getting up and cooking for their breakfast but she did not move.
She can't stop feeling loved, lucky and happy. Lalo na at ngayong araw ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan. Masaya siyang nakatagal sa kaniya ang kinakasama niya. Isa pa naman itong artista kung kaya't noong una ay hindi siya makapaniwala na gusto siya nitong niligawan.
Manang. Iyan ang pinakaunang description sa kaniya ng mga taong kakilala niya ngunit hindi rin naman kasinungalingan iyon. Aminadong siyang konserbatibo siya lalo na sa mga klase ng damit na prefer niyang suotin pero wala naman mali na nasanay siya.
Walang kasalanan ang mga parents niya na tinuruan siyang magsuot ng kaaaya-aya bilang babae dahil kung tutuusin ay natutuwa pa siyang konserbatibo siya. Sa pagiging konserbatibo niya ay do'n niya pa nalalaman kung anong klaseng tao ang lalakeng lumalapit sa kaniya. Kung tanggap siya nito bilang siya o kung may motibo lang ito para lapitan siya.
Also, it can't be helped that she's conservative even with her clothing.
She's a writer. A freelance writer to be exact. She tends to be nerdy all the time.
Nasanay na kasi siya kung kaya't isa rin ito sa bagay na ikinakasaya niya. Hindi nagrereklamo sa kaniya ang kinasama niya. Wala siyang naririnig na komento galing dito at kahit kanino pa niya marinig na manang siya, wala siyang pakialam.
She sighed. Feeling so happy. Ito na nga yata ang lalakeng para sa kaniya. Hindi basta-bastang artista lang ang kinakasama niya dahil kahit artista ito, hindi ito naghanap ng babaeng kasing-level nito. Malayong-malayo siya sa mga nag-gagandahang artista na na-meet niya dahil na rin sa pagiging girlfriend ng boyfriend niyang artista.
May mga times na nakakaramdam siya ng panliliit dahil na rin sa hindi niya kayang gayahin ang mga babaeng naging ka-partner ng boyfriend niya sa mga naging projects nito ngunit dahil na rin sa pinapakitang lambing at pang-aakit sa kaniya ng kinakasama niya ay nakakalimutan niya ang isiping iyon. Hindi ito nagkulang na ipakita sa kaniya na siya lang ang gusto nito. Ibang-iba si Julian Romero sa mga naging ex-boyfriend niya.
Ang issue sa mga exes niya? She can't give them what they want. Intimacy, to be specific. And of course, she wants to give her all to all the men she loved but are they the right man? Hindi. Ang mga exes niya ay babaero at madumi mag-isip. Nilapitan lang siya dahil gusto makuha ang pagkakabae niya. Kaya naman mas lalo rin siyang naging maingat dahil kahit papaano ay nasaktan siya sa mga dating relasyon na mayro'n siya.
And she also wants to tie a knot with the man she loves. Gusto niyang maikasal bago ibigay ang kaniyang sarili sa tamang lalake na mamahalin din siya kahit ano pa ang maging itsura niya. Wala naman sigurong mali para hilingin iyon bago s*x kaya naman ipinaliwanag niya iyon kay Julian at luckily, for the first time, naintindihan naman iyon ni Julian kahit na minsan ay nilalandi pa rin siya nito.
Miminsan pa nga ay natutukso na siya bumigay lalo na't blessed si Julian. Hindi lang wafu, matipuno pa.
Even if her past relationship became the reason for her low self-confidence, she's not locking her heart to love again. Kahit naman may mga lalake man siyang nakilala na obviously, s*x lang ang habol. Ayaw niyang magpaka-bitter. She still wants to find a man who will love her. A man who will accept her appearance. A man who doesn’t care about what other people say to her.
And she’s wishing. Wishing the man she’s staring at right now, is the one. That Julian Romero is the one she's been praying.
“Hmm…”
Napangiti siya nang bahagyang kumilos si Julian. “Good morning, handsome,” malumanay na bati niya rito.
Bahagyang ngumiti si Julian sa kaniya habang nakadapa pa rin ito. "It's too early for the flattering, sweetheart. What's up with you?" medyo paos na sabi ni Julian kaya naman napakagat na lamang ng labi si April.
Shit! Pati ang boses nito ay napaka-sexy marinig. Hindi na talaga nakakapagtaka na naging artista ito dahil bukod sa maintindihin ito ay pinagpala rin ito. Mula sa pagiging guwapo hanggang sa pagiging talentado nito sa pag-arte at kanta. Isang tingin lang ay marami nang nahuhulog agad sa boyfriend niya.
“Good morning,” Julian said to her as he slowly opens his eyes, still sleepy. “How long are you up?”
Matamis na ngumiti si April bago sinagot ang tanong nito. “Long enough to make me realize that I really, really love you,” she said, feeling exhilarated.
Julian smiles at her, eyes half-closed. “And I love you more, April.”
April immediately squeals when suddenly, Julian moved on top of her. Holding both of her hands and pinning them above her head.
“Julian, please. Get off,” she said chuckling as she feels her heart started to beat faster. Kinikilig siya pero ayaw niya talagang madala muna sa panlalandi sa kaniya ni Julian. Hindi pa puwede!
Julian’s seductive eyes stared at her pair of amber-colored eyes. He had his devilish grin curved on his lips while looking at her as if he wants to devour her. “I like it in here,” Julian said before leaning close to her, to her ear. “I like this position on top of you, under me.”
She clears her throat. Pakiramdam niya ay nanuyot ang lalamunan niya dahil sa mga sinabi ni Julian sa kaniya. And April can feel something in between her thighs but she quickly shook her head as she gulped in nervousness. She's freaking turned on but she doesn't want to lose control.
Alam niya ang ginagawa nito. She knows too damn well that Julian is trying to get on her pants but like what she always does…
“Julian, I’m hungry. Get off now, please.”
“But I’m also hungry, though what I wanted to eat is you,” nakangising sabi nito sa kaniya.
Shit! Maraming beses na siyang inaakit ni Julian at maraming beses niya na rin itong tinanggihan para makipagtalik. She’s not ready for it even though she's so turned on to do it with Julian.
God knows how hard she's trying to resist Julian's charm. She feels like it’s too early for them to be at that level of intimacy. She can only allow him to touch her or kiss her on her head, lips, and neck but Julian never made it down to her sensitive part. Not yet.
Nasa itaas pa rin niya si Julian nang biglang tumunog ang cellphone nito. Timing lang para umalis ito sa ibabaw niya at sagutin ang tawag. Mabilis siyang napabangon at napahawak sa kaniyang dibdib kung saan ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso niya.
Damn it! I survived! April is saved by the phone call even though she can feel a bit of disappointment because she's also turned. Nando'n iyong gusto niya rin mag-indulge sa pang-aakit sa kaniya ni Julian ngunit natatakot rin siya na baka sa ibang bagay makaabot ang pang-aakit ng boyfriend niya.
“What is it? Oh? Really? Okay, I’ll be there.” Agad na humarap sa closet si Julian matapos ang tawag. Wala na ang mapang-akit nitong tingin bagkus ay nakaguhit na sa mukha nito ang pagkaseryoso habang nagbibihis ng damit.
“April, I need to go. Si Ate Jessa, nasa airport na siya,” ani Julian na ikinataas niya ng kilay.
Jessa Romero, Julian’s eldest sister was working in South Korea. Hindi niya alam na ngayon ang uwi nito. Maybe, dahil na rin siguro sa hindi niya kasundo ito kaya hindi na ito binanggit pa sa kaniya ni Julian.
Masyadong makiri at mataray ang matandang kapatid ni Julian. Simula pa lang ay hindi na niya talaga ito nakasundo. Kilala na niya ang magulang ni Julian. Kilala na rin naman ng mga gulang niya si Julian. Ngunit sa side ng family ni Julian, masasabi niyang hindi pa talaga sila nagkakasundo.
Hindi nagsalita ang mga ito ng masama sa kaniya ngunit pansin niya ang klase ng mga tingin nito sa kaniya nang makaharap niya ang pamilya ni Julian. Ang mga tingin nitong may pagka-disguto at pekeng ngiti sa kaniya.
“Ahm, hindi ba ‘ko puwedeng sumama sa iyo?” tanong niya kay Julian na ngayon ay nakabihis na nang simpleng polo at pants.
“It’s okay. Prepare yourself for work. Ako na bahala kay Ate Jessa,” sabi ni Julian kapagkuwan ay kinuha ang susi nito ng kotse na nakapatong sa taas ng bed side table.
“Teka, paano ako? Hindi ka ba muna kakain?” tanong niya rito na may bahid ng tampo. Iniisip kung paano siya makakapasok dahil na rin sa napagkasunduan na nila nakaraan pa na ihahatid siya nito sa kaniyang trabaho.
“Take a taxi, April. I need to go now,” may pagmamadali nitong sagot sa kaniya bago lumabas ng kanilang bedroom.
Napanguso na lang si April. Anniversary nila ngayon pero pakiramdam niya ay mas importante pa ang Ate nito kaysa sa kaniya. Sa pagkakaalam niya ay puwede naman na mga magulang ni Julian ang sumundo sa Ate nito lalo na't last time na napadalaw siya sa mga parents ni Julian ay binilhan pala nito ang mga magulang ng sariling kotse. April doesn't want to be selfish but she has been really forgiving whenever Julian chooses his family first. At ngayong araw ay unang anibersaryo nila kung kaya naman kakasimula pa lang ng araw niya ay disappointed na siya. Inakala pa naman niyang maihahatid siya nito.