Alam niya ang tinutukoy ni Hailey. Bago sila naging magkaibigan ay nangyaring siya ang ginawang kabit ng asawa ni Hailey ngunit si Hailey ay matured na rin sa mga oras na iyon. Naintindihan nitong wala siyang alam tungkol sa mga kalokohang ginawa ng asawa nito at pagkatapos no'n, naging magkaibigan sila na may iisang interes at opinyon sa buhay. Na para bang kahit kailan ay hindi nag-exist ang asawa ni Hailey sa mga buhay nila. Bukod sa Tita niya, si Hailey ay isa sa mga taong totoo at kahit minsan man ay naiinis siya rito, alam niyang gusto lang rin ni Hailey kung ano ang nakakabuti sa kaniya pero sa huli, nagkaroon lang siya ng karelasyon, nakalimutan niyang makinig sa sinasabi ng iba lalong lalo na kay Hailey. "But you should and must remember that you are not alone, April. You are