And she hate it. Naiinis siya sa katotohanang pinili niya ang magpakatanga. Naiinis siya na pinili niya ang taong minahal niya nga ng tunay pero sa huli ay nagawa siyang lokohin at ipagpalit dahil lang sa s*x. Naiinis siya na nagbingi-bingihan at bulag-bulagan siya mula sa tunay na kulay ni Julian na maaga namang sinabi at binigyang babala sa kaniya ni Hailey. "April?" muling tawag sa kaniya ni Hailey ngunit hindi niya ito nilingon bagkus ay tumalikod siya mula sa direksiyon ni Hailey. Mali na pumunta pa ako dito. Inis na sabi ni April sa kaniyang sarili. Hindi na dapat siya pumunta sa lugar ni Hailey. Huli na nang ma-realize niya kung gaano siya katanga para hindi makinig sa kaibigan niyang totoong may pakialam sa kaniya. Naiinis siya sa katotohanang dahil rin sa kaniya kaya ngayon a