Nasa mukha ng Tita Rea ni April ang galit at isa pang emosyon na alam niyang nabuo dahil sa nalaman nito tungkol sa kaniya. She never really wanted them to know in the first place. Pero dahil sa pagiging madaldal ni Hailey na hindi naman niya ikinagalit, may ideya na ngayon ang dalawang tao mula sa kaniyang ka-relative na nakikibalita siya kahit papaano. No big deal. Kahit naman magmukha siyang mabuti o masama, alinman sa dalawa ang makita ng mga kamag-anak niya, wala na sa kaniya iyon. She already stopped proving herself when she realized that her relatives never really give her the chance to prove anything. Simula pa lang nang naninirahan na siya sa puder ng kaniyang Tita, napagtanto niya kung gaano kawalang-pakialam sa kaniya ang mga ka-relative niya. They will never care because she