Nanatiling tahimik si April habang walang emosyong nakatingin kay Lukas. May dala-dala itong dalawang brown paper bag na alam niyang pagkain mula sa restaurant ang laman habang ang isang kamay nito na may dalang brown paper bag ay hawak ang handle ng payong na hindi niya alam ni April kung saan nito nakuha. Mas lalo lang nakaramdam si April ng hiya dahil sa mga pagkaing nabili ni Lukas para sa kaniya o sa kanilang dalawa. Ilang minuto silang nasa loob ng restaurant at pareho silang dalawa nag-effort para maka-order ng pagkain at makahanap ng makakainan ngunit wala ni isa sa kanilang dalawa ang nakakain sa pagkaing dala-dala ngayon ni Lukas. Napabuntong-hininga na lang si April pagkatapos ay napayakap sa kaniya sarili habang nararamdaman ang kaniyang kasuotan na pareho ng mabigat sa kani