Dahil sa pagod, himbis na sayangin ni April ang oras niya sa panonood ng pakikipaglandian ng mga waitress kay Lukas, napagdesisyunan na lang niyang humanap ng makakainan nilang lamesa lalo na at sa nakikita niya, mahihirapan silang humanap ng mesa. Kahit saan siya lumingon ay nakikita niyang maraming tao ngayon.
Lahat ng mesa ay okupado kung kaya't sa oras na nakuha ni Lukas ang inorder nitong pagkain para sa kanila, mahihirapan itong dalhin ang mga pinamili at worst, maaaring magkaroon pa ng aksidente.
Bago rin siya naghanap, muli siyang lumapit kay Lukas para magpaalam na maghahanap siya ng makakainan nilang lamesa at bago rin ito makapagsalita, umalis na siya na hindi pinapakinggan ang pagtatawag nito sa kaniya. Ayaw niyang isturbohin ang nagaganap na pag-i-entertain nito sa mga waitress kagaya ng pag-entertain ng mga ito sa kaniya.
April can't help but to be thoughtful even though she's a little frustrated because of Lukas and the two waitress who's entertaining him. Baka himbis na mabilis silang makapunta kay Hailey, mas lalo silang matagalan dahil sa pakikipaglandian nito.
Napahinga na lang ng malalim si April habang naglalakad sa unang palapag ng restaurant. Bawat parte ng restaurant ay nililingonan niya upang makahanap ng mesa na hindi okupado ngunit bawat lingon rin niya, ang tanging mga nakikita niya lang ay mga okupadong mesa kung kaya't napailing-iling na lang siya bago dumiretso sa ikalawang palapag ng restaurant.
Agad na nadismaya si April nang pagka-akyat niya ay nakita niyang puno rin ng tao ang buong palapag ng second floor.
"Hay, saan ba kami makakapuwesto?" mahinang bulong ni April sa kaniyang sarili habang lumilingon-lingon sa buong palapag ng second floor.
"Hey, woman!"
Nakakunot ang noo na lumingon si April nang marinig ang boses ni Lukas. Nang makita niya ito, nakakunot ang noo nito sa kaniya. Mukha itong inis sa kaniya at alam niya kung bakit pero wala siyang pakialam. Kung gusto nitong makipaglandian, ayaw ni April na gawin nito iyon habang kasama siya. Ayaw niyang masayang ang oras niya dahil langg din sa gustong sayangin ni Lukas ang oras nito sa mga babae.
"Bakit? Ano iyon" sabi niya habang papalapit si Lukas sa kaniya.
Nang tumigil ito sa harapan niya, agad itong nameywang habang nakakunot pa rin ang noo na nakatingin sa kaniya. "Bingi ka ba?" agad nitong sabi na ikinataas naman niya ng kilay.
"I'm not," sagot ni April.
"Then why did you walk away earlier? I was calling you but you still walked away," inis na sabi ni Lukas bago ito napailing-iling. "Never mind. Just..." bumuntong-hininga si Lukas bago ito napahilamos ng mukha.
"Just what?" nakataas ang kilay na sabi ni April habang naghahantay sa sasabihin ni Lukas.
"Just follow me," sagot ni Lukas.
"At saan naman tayo pupunta, aber? Naghahanap nga ako ng makakainan nating lamesa kasi halos lahat ng mesa ay okupado, nakikita mo naman, 'di ba?" mataray niyang sagot.
"Sundan mo na lang ako puwede? I'm starving now, please," mahinahon ngunit may diin na sabi ni Lukas sa kaniya kung kaya't saglit na tumawa si April.
"Starving?" parang hindi makapaniwalang sabi ni April. "Really? Nagugutom ka na pero may oras ka para makipaglandian sa mga waitress na nando'n?" mapanuyang sabi ni April habang si Lukas naman ay tila naguluhan sa sinabi niya.
"Wait, what?" nagtatakang sabi ni Lukas nang bigla na lang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha na ikinataas ng kilay ni April. Nawala ang pagkagulo sa mukha nito kapagkuwan ay natatawang tumingin sa kaniya. "Are you serious? You thought that I was flirting with those women?"
Napairap na lang si April dahil sa sinabing iyon ni Lukas. Kailangan ko bang ulitin ang sinabi ko? Itong englishero na ito ata ang bingi sa aming dalawa, eh. Inis na sabi ni April sa kaniyang isip.
"Whatever. Bahala ka diyan. Hindi ko na uulitin ang sinabi ko," sabi niya at aambang na magwo-walk out uli nang bigla niyang naramdaman ang kamay ni Lukas sa kaniyang kanang kamay.
Nakakunot ang noo na muli siyang napatingin kay Lukas. Natatawa pa rin ito na para bang may nakakatawang bagay siyang ginawa kung kaya't mabilis na bumaba ang tingin ni April sa kamay niyang hawak nito pagkatapos ay hinablot iyon.
"Bakit ka ba nanghahablot?" inis niyang tanong na muli nitong tinawanan bago napamulsa.
"You are walking out again. What was I supposed to do?" nakangiti nitong sabi na ikinalunok naman ni April.
Buong oras na magkasama sila ay tanging seryosong pagmumukha lang nito ang nakita niya. Ngayong nakita niya itong nakangiti, naninibago siya at hindi niya rin mapigilan na pamulahan ng mukha dahil sa angking kaguwapuhan nito ngayong nakita niya itong nakangiti ng harapan sa kaniya.
Damn it, self.
"Wala kang gagawin," pinaghalong inis at galit niyang sabi kay Lukas na hanggang ngayon ay tila natutuwa sa kaniya kung kaya't napabuntong-hininga na lang siya. "Look, alam kong pangit ako, okay? Hindi mo naman kailangan ipakita na tuwang-tuwa ka sa itsura ko ngayon," sabi niya dito.
Kumunot ang noo ni Lukas dahil sa sinabi niya habang mukha pa rin itong natutuwa. "What are you saying?" sabi nito na hindi pinaniniwalaan ni April kung kaya't napahawak na lang siya sa kaniyang sentido. "Hey, I'm not laughing because of what you look right now, I mean..."
Pinasadahan siya nito na kaniya namang ikinaatras habang yakap ang kaniyang sarili. "A-anong ginagawa mo?"
"I mean, you look beautiful but I'm not laughing beca---"
"Sinungaling," sabi ni April kay Lukas na ikinatigil nito sa pagsasalita bago siya umiwas ng tingin.
Lies.
Ayaw na niyang mamuhay na puro kasinungalingan na lang ang naririnig niya mula sa mga lalake dahil kung maganda siya, wala sana siyang naabutan na kababuyang ginawa ni Julian kung saan pareho silang dalawa nakatira. Kung maganda siya kagaya ng sinasabi ni Lukas, hindi siya nagkaroon ng ilang relasyon na hindi rin siya niloko ng mga ex niya.
"Wait, I'm not lying to you. Hindi ako natatawa dahil sa kung anong itsura mo ngayon," nakakunot na ang noo nitong sabi. "Where is all of this coming from, anyway?" naguguluhan nitong tanong ngunit umiling si April.
Wala na siyang ganang makipagsagutan pa sa englishero at babaerong lalake na ipinadala sa kaniya ni Hailey para tulungan siya. Kahit sagutin din niya ang tanong nito ay hindi rin naman nito maiintindihan ang rason niya kung bakit ang bitter niya.
"Kunin mo na lang ang mga inorder mo," sabi ni April na ikinataas ng kilay ni Lukas. "Maghahanap na lang ako ng mesa na mapupuwestuhan natin," sabi niya kapagkuwan ay tumalikod nang maramdaman niyang hinawakan ang kamay niya pagkatapos ay hinila siya na ikinalaki ng mata niya.
Nanlalaki ang mata na natigilan si April nang mapagtanto kung kaninong katawan siya nakasandig. Ramdam niya kung gaano rin kabilis ang puso niyang nagulat dahil sa pag-aakalang matutumba siya ngunit nang dahan-dahan siyang tumingala, nakakunot na mukha ni Lukas ang tumambad sa kaniya at hindi lang iyon ang mas lalong nakapagpatibok ng puso niyo.
Agad na dumapo ang tingin ni April sa mapulang labi ni Lukas bago nag-angat ang tingin niya sa mata nitong kulay kastanyo. Mas lalong nag-rigodon ang puso niya nang bigla siyang itinulak ni Lukas na sapat naman para mapalayo ang katawan nilang dalawa.
Nagulat si April dahil sa ginawang pagtulak sa kaniya ni Lukas ngunit agad ding napalitan ng pagkapahiya ang nararamdaman niya nang makita ang ilang pagtingin ng tao sa kanila, lalong-lalo na sa kaniya.
Napalunok na lang si April habang nahihiyang inayos ang kaniyang buhok upang takpan ang kaniyang mukha.
"Hindi na nahiya. Ang pangit na nga, ambisyosa pa," rinig ni April na sabi ng isa sa mga grupo ng babaeng nakatingin sa kanila.
Dahil do'n, muling bumalik ang mga nangyari sa kaniya ilang oras na ang nakalipas. Ang pagsisinungaling sa kaniya ni Julian na pupuntahan nito ang Ate nito. Ang pagkatanggap niya sa mga litratong sapat na bilang ebidensiya na niloloko siya ni Julian. Ang nahuli niyang ginagawang kababuyan ni Julian habang nakatalikod siya at ang lahat ng mga moment na kasama niya si Julian.
Everything was painful. At para kay April, kung ano man ang narinig niya dahil sa ginawa nilang eksena ni Lukas sa gitna ng ikalawang palapag ng restaurant, iyon ang paniniwalaan niya.
Hindi siya maganda kagaya ng sinabi sa kaniya ni Lukas kanina lang dahil kagaya ng mga nangyari, hindi siya itutulak ni Lukas na para bang isa siyang mabahong basura na nadikit dito. Lukas pushing really hurt her feelings but she's a nobody to complain. Wala siyang magagawa kung gano'n ang tingin ng mga tao sa kaniya ngayon.
Pangit na, ambisyosa pa.
Umiling-iling si April pagkatapos ay mabilis na yumuko upang maitago ang pinipigilan niyang luha. Tama na. She has suffered enough. Ilang beses na rin siyang nasaktan. Ilang beses na ring nagsinungaling ang mga taong pinagkatiwalaan niya sa kaniya. She has been a good girlfriend to all of her exes but being good isn't enough to them.
If a person want more and they can't get it to someone like her, all those people like Julian will use any means to get what they from another. It's a good thing that she has not given up her virginity to Julian.
A very good thing although it's still painful. Still painful to live in reality where someone like her, is not enough. In a reality where being ugly is like a crime to be seen with someone like Lukas.
"I-I'm sorry," tanging nasabi ni April bago naglakad palampas kay Lukas.