14

1049 Words
"What would like you to eat?" tanong ni Lukas pagkatapos nilang makapasok sa isang restaurant.  "A-ano..." Napakagat ng labi si April habang ang kaniyang mata ay nakatingin sa menu board upang makapili ng mao-order.  This is so embarassing. Hindi mapigilan na makaramdam ng inis habang siya ay nakatitig sa menu board. Gusto niya nga muna sana na hindi mapalapit sa kahit sinong lalake dahil gusto niyang makapagpahinga. Men are full of s**t. That is one of things she realized after a few hours of crying.  But right now, having Lukas buy food for her, is not helping. Ayaw niya nga muna sanang makatanggap ng kahit na anong galing mula sa male species. That's how bitter she is right now but what's also happening right now is not helping. Humindi siya kanina bago pa sila makalabas kotse pero tila alam ni Lukas na hihindian niya ang pang-lilibre nito sa kaniya kung kaya't parang bingi na lumabas ito ng kotse at pumasok ng restaurant na hindi siya hinahantay.  No one can stop Lukas from buying food for her now. Kung kaya himbis na mag-stay siya sa kotse, lumabas na lang din siya ng kotse lalo na at sumasakit na rin ang tiyan niya dahil sa gutom.  Aminado naman siya na alam niyang ginagawa rin ito ni Lukas dahil sa may utang ito sa kaibigan niyang si Hailey pero iyon na kasi ang problema. Even small things can make her heart swoon. Madali siyang ma-fall kung kaya't minsan ay hindi niya rin pinapaniwalaan ang nararamdaman niya sa isang lalake. Maging kay Julian. Minsan na rin siyang nagduda sa nararamdaman niya para kay Julian bago niya ito tuluyang sinagot ngunit ngayong tapos na ang lahat ng namamagitan sa kanila, nagsisisi si April na hindi sinunod ang nararamdaman niyang pagdududa sa nararamdaman para sa kaniya ni Julian.  Napabuntong-hininga na lang si April habang nakatingin pa rin sa menu board. I'm hopeless. Sabi ni April sa kaniyang isip. Nasasaktan siya na hanggang isip na lang siya sa mga nangyari.  Ayaw niya nga sana na kumain. Ayaw niyang kumilos o kahit ano. Gusto niya lang sana magpahinga. Magmukmok habang bumabiyahe sila papunta sa lokasyon kung saan nakatira si Hailey. Kahit na nararamdaman niyang kumakalam na ang tiyan niya lalong-lalo na at libre din ni Lukas, ayaw niya talaga pero wala na siyang magagawa ngayong nakatayo na siya sa loob ng restaurant katabi si Lukas na naka-focus sa pila.  "Hay, buwisit ka talaga, Hailey," mahinang bulong ni April.  "What? May sinabi ka?" biglang tanong ni Lukas sa kaniya na kaniya namang sinagot ng pag-iling.  "Wa-wala," nahihiyang sabi ni April.  Nakapila na si Lukas dahil sa marami na rin na tao ang buong restaurant. Kung totoosin ay parang jam-packed ang buong restaurant dahil sa nakikita ni April na halos okupado ang lahat ng mesa.  "So what would you like to eat?" ulit na tanong ni Lukas.  Hay! Magpapalibre ba talaga ako? May sariling pera naman si April para makabili ng sarili niyang pagkain pero kung gaano siya nahihiyang tumanggi na ilibre ni Lukas, gano'n din ang pagkahiya niyang tumanggi sa paglilibre nito sa kaniya.  Kagaya ng nakasanayan niyang marinig mula sa matatanda, huwag daw sayangin ang grasya kung kaya't nahihirapan din siya at walang lakas ng loob na magsalita upang makatanggi.  "A-ano, kahit ano na lang," tanging naisagot ni April kasabay nang pagkakalapit ni Lukas sa counter.  Nakakunot ang noo na tumingin sa kaniya si Lukas. "Are you sure?" tanong nito sa kaniya na kaniya namang sinagot ng pagtango habang nahihiyang ngumiti.  "Yup, kahit ano na lang. Hindi rin naman ako mapili," sabi niya na tinango-tanguan nito.  "What about allergies?" muling tanong ni Lukas habang nakatingin sa menu board. "Baka makabili ako ng pagkaing may hindi puwede sa iyo. Wala ka bang allergy?" Muling umiling si April bilang sagot. "I had no allergies," sagot ni April.  "What about drinks? What would you like to have?" tanong ni Lukas sa kaniya.  Hays! Pati drinks talaga, tinatanong pa? Naiilang na ngumiti si April kay Lukas.  "A-ano, kahit iyong kagaya na lang ng choice mo sa drinks," sabi niya na tinango-tanguan ni Lukas bago hinarap ang waitresses na mukhang asar kay April dahil sa nakikita niyang pag-irap nito sa kaniya bago hinarap si Lukas na may matamis na ngiti.  Ay, gano'n! Kahit na sa trabaho ang landi? Dahil sa inis ni April mula sa waitress, mabilis siyang tumalikod at lumayo mula sa pila kung nasaan si Lukas.  Naghintay siya malapit sa entrance at mula do'n, pinanood niyang makipagharutan ang waitress kay Lukas habang hinahantay ang order nila nang sa makita ni April na may isa pang waitress ang lumapit sa tabi ng waitress na tinarayan siya kapagkuwan ay nagsimula din makipagharutan.  Aba't?! Hindi makapaniwalang napatindig si April habang pinapanood ang dalawang waitress na makipagharutan kay Lukas. Nang mapatingin si April kay Lukas, napailing-iling na lang siya nang makita na mukhang masaya ang damuho sa nakukuha nitong sa dalawang waitress.  Hay nako! Tanging nasabi ni April sa kaniyang isip. Wala talagang kuwenta ang mga lalake. Well, hindi naman sa nilalahat ni April dahil lang sa kakagaling niya lang din sa relasyon na sinayang ng ex-boyfriend niyang artista. Sadyang naiinis na lang din siya dahil sa naaalala niya si Julian na niloko siya.  Napakalandi ng lalakeng iyon. Hindi rin inakala ni April na magagawa ni Julian ang mga gano'ng klaseng bagay. Isa rin kasi itong artista kung kaya't inakala niya na magiging mabait ito habang nagtatrabaho pero kagaya nga ng sabi ng ilan.  Kapag sobrang bait, nasa loob ang kulo. At napatunayan niya iyon hindi lang dahil sa nahuli niya si Julian kung hindi dahil mismo sa mga pictures na natanggap niya. Ang litratong naglalaman ng mga kuhang kabastos-bastos at never inisip ni April na gagawin ni Julian.   Hindi makapaniwala si April sa lahat ng nangyari pero ang makita na nasa loob siya ng isang restaurant kasama ang isang trusted friend na pinadala ni Hailey para sa kaniya, napagtanto niyang iyon ang reyalidad.  Na sa huli, tanging ang kaibigan niya lang din ang sasagip at tutulong sa kaniya na makaahon mula sa kalungkutan. Na ang pagkilala ng taong hindi niya kilala kagaya ni Lukas ay mabuti dahil sa minsan, kung sino pa ang taong hindi niya kilala, iyon pa ang nakakatulong sa kaniya na mabawasan ang isipin niyang laging may kaakibat na kalungkutan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD