13

1024 Words
Nang maramdaman ni April ang pagluwag ng kaniyang kandungan, mas lalong siniksik ni April ang kaniyang kamay sa pagitan ng dalawa niyang hita kapagkuwan ay ipinasok ang kaniyang kamay sa bulsa. Nang maabot niya ang susi sa loob ng kaniyang bulsa, agad niya iyon hinugot palabas. "H-here. Sorry," sabi ni April na sinagot naman ng pagtango ni Lukas. Nanlaki ang mata ni April nang hindi nilapag ni Lukas sa kaniyang kandungan ang kaniyang maleta bagkus ay nilagay nito sa backseat ang may kabigatan niyang maleta. Nakita ni Lukas ang reaksyon ni April sa ginawa nito kaya umiling-iling ito sa kaniya. "Bakit kasi kailangan mo pahirapan ang sarili mo? May backseat naman," tila bored nitong sabi pagkatapos ay sinuksok ang susi sa ignition ng kotse. "No-nothing," tanging naisagot ni April kapagkuwan ay umiwas ng tingin. Nahagip ng mata niya ang isang Ducati Testa Stretta NCR Macchia Nera na kaniya naman ikinalaki ng mata kapagkuwan ay nagsalita. "Sa iyo ba ang motor na iyon? Baka manakaw kapag iniwan mo dito?" "Tsk. Huwag ka mag-alala. Tayo lang naman dalawa ang naglakas ng loob na pumasok sa private property na 'to. Walang mangangahas na kunin ang motor ko sa lugar na 'to. Takot lang nila sa may-ari ng lugar na ito sa oras na tumapak sila sa lugar na ito. And I can just send my assistant later to get it for me later, don't worry," mahabang sagot ni Lukas sa kaniya na kaniya naman ikinataas ng kilay. May assistant ito? April is curious. Kanina lang ay sinabi ni Hailey na kaibigan at business partner ito ng asawa ni Hailey. Does it mean na CEO ito? O baka kung hindi CEO ay nagtatrabaho na mataas rin ang posisyon sa isang kompanya? Napailing-iling si April nang mapagtanto ang kaniyang iniisip. It doesn't matter. Isang beses lang naman sila magkikita nito. Maybe she should just ask about the land owner. She's intrigued because she really likes the place she just discovered. "Bakit? Sino ba ang may-ari ng lugar na ito?" tanong ni April na mukhang hindi nagustuhan ni Lukas dahil pansin niya ang pagdilim ng mukha nito. "Trust me, you don't want to know. Just shut up about it, okay?" sabi nito na sinagot ni April ng pagtango. "Puwede kang matulog nang makapagpahinga ka pa. Matatagalan na ang biyahe natin dahil magra-rush hour na rin," sabi nito na kaniya naman ikinakunot ng noo habang nakatingin dito na binuhay na ang kotse. Anong oras na ba? May araw pa rin naman, eh. Sabi ni April sa kaniyang utak bago naisipan na kunin ang kaniyang cell phone na nakalapag sa dashboard. Nang makuha niya ang kaniyang cell phone at sinubukan na buksan, napanguso na lang siya nang mapagtanto na dead battery na ang kaniyang cell phone, bagay na kaniya naman ikinataka. So paano ako nahanap ni Lukas kung dead battery na ang cell phone ko? Only one way to find out. Tumikhim muna si April bago ibinuka ang kaniyang bibig at nagtanong. "Pa-paano mo ako nahanap? Dead battery na ang cell phone ko para ma-track ang location ko." Saglit na lumingon si Lukas sa kaniya at sa kaniyang cell phone na nakapatay bago siya nito sinagot. "Don't overthink, I can still track you even if your cell phone is off, with or without data connection." "Ahh..." Napatango-tango si April habang nararamdaman ang pag-init ng kaniyang pisngi dahil sa hiya. Paano ba naman kasi, hindi naman talaga siya maalam gumamit ng GPS sa kaniyang cell phone. Kinailangan niya pa nga i-search kung paano buksan ang GPS dahil hindi niya alam kahit na pa-low battery na ang cell phone niya kanina. "Ahm, can I ask what time is it now?" tanong ni April habang nakaiwas ang tingin kay Lukas. "It's quarter to five. Mga seven panigurado nasa kalsada na tayo at baka mga eight or nine ng gabi na tayo makarating sa lugar ni Hailey kaya I suggest matulog ka ulit, nang makapaghinga ka. Don't worry, you'll be fine while asleep, wala akong gagawing masama sa iyo," seryoso nitong sabi na tinango-tanguan na lang ni April. May sinabi ba akong may gagawin siyang masama? Ang advance naman niyang mag-isip. Tsk! Sa buong oras ng biyahe, nanatiling nakatingin sa labas ng bintana ang kaniyang tingin. She did not dare look at the man sitting in her ex-boyfriend's seat as she felt really embarrassed. Kung bakit ba naman kasi kailangan ni Hailey na maging makulit. Alam niya kung ano ang pakay ni Hailey at medyo inis siya dahil do'n dahil rin sa kakagaling niya lang sa isang masakit na relasyon. Sometimes, Hailey's efforts are pissing her off but she just can't do anything about it because Hailey will hate her. Minsan na niya itong nasabihan at himbis na siya ang dapat magalit dito, ito pa ang hindi kumausap sa kaniya ng halos isang linggo. Ito pa ang nagtampo. The nerve! "Are you hungry?" dinig ni April na tanong ni Lukas kung kaya naman dahan-dahan siyang napalingon dito.  Seryoso ang mukha nito habang nagmamaneho ngunit kung titignan din nang mabuti ni April si Lukas habang naka-side view ito, may angking kaguwapuhan dito itong itinatago kahit na buong oras nang biyahe ay seryoso habang pakunot-kunot ang noo.  "H-hindi naman," sabi ni April bago muling umiwas ng tingin nang ma-realize niyang napapatitig na siya dito.  Buwisit ka talaga, Hailey. Inis niyang sabi sa kaniyang utak pagkatapos ay napabuntong-hininga nang bigla na lang tumunog ang kaniyag tiyan, senyales na siya ay gutom.  Shit.  Mariin na napapikit si April kapagkuwan ay napakagat ng labi. Matinding pagkapahiya ang nararamdaman niya habang nararamdaman ang tila panaka-panakang tingin ni Lukas dahil panigurado sa pagsisinungaling niya. Akala ni April ay aasarin din siya ni Lukas kung kaya't hindi rin siya lumilingon dito ngunit lumipas na ang ilang minuto, hindi niya narinig na nagsalita ng kahit ano si Lukas kung kaya napatingin siya dito.  Kasabay ng paglingon ni April ay ang biglang pagtigil ng kotse kung kaya't nakataas ang kilay na tumingin siya kay Lukas. Pinanood niya itong bumuntong-hininga bago tumingin sa kaniya.  "Let's eat. Hailey will kill me once she finds out that I made you starve," sabi ni Lukas na mas lalo niyang ikinahiya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD