Chapter Forty-seven Kanina pa ako rito treadmill pero wala yatang balak si Xachary na pagpahingahin ako. Hindi ko naman alam ang pipindutin doon para ma-stop iyon. Pagod na pagod na talaga ako. Habang si Xachary ay nagpu-push up sa tabi ng treadmill. Ginising niya ako ng maaga para lang yayain mag-gym. Dahil sa kagustuhan kong lumakad ay dali-daling sumama naman ako rito. Mula kanina'y tumatakbo na ako. Lumuluha na ako habang tumatakbo pero hindi pa rin napapansin ng lalaki. Nang lumingon ito't makita iyon ay agad itong napatayo. "A-llegra?" ani nito na agad pinahinto ang treadmill. Nang huminto iyon ay nanghihina akong napaupo. "Huhu! Sabi mo magg-gym para lalakas. Scam ka, Xachary. Pagod na pagod ako." Iyak ko rito. Napakamot sa ulo ang lalaki saka lumuhod sa harap ko. "Allegra, ba