Chapter Forty-eight Iyong mga classes namin ni Keisha ay nagbunga naman. Pagdating ng birthday ni Kaus ay nakapag-bake ito ng cake para sa lalaki. Masquerade theme ang party ni Kaus. Hindi naman talaga nito iyon plinano. Simpleng dinner nga lang din ang pagkakaalam ko. Pero nagpatulong si Keisha kay Xachary at sa mga tauhan ng Tempted Cruise para mabuo ang birthday surprise ni Keisha sa lalaki. Dito siya naghahanda ngayon sa cabin namin ni Xachary. Habang si Xachary ay kasama si Kaus at kinukumbinsi ang lalaki na maglaro sa casino. "Kapag si Xachary ang magyaya ay tiyak na papayag agad iyong si Kaus. Alam ko... alam kong magiging successful ang surprise na ito." Bakas sa tono nito ang excitement. Ang ganda-ganda ng ayos nito ngayon. Kulay itim ang gown nito na katulad ng kulay sa akin