Chapter Forty-nine "What the f**k is this?" takang tanong ni Kaus habang tinitignan ang phone nito. "May nang-hack ba ng bangko ko?" ani nito na halatang naguguluhan. Nasa iisa kaming table. Ako, si Xachary, si Keisha, at si Kaus the monkey. "Tignan ko." Sumilip din si Keisha. Gano'n din ako. "Nabawasan ang pera mo?" ani ko. "Yes." "Naku! Nagbayad na kasi ako ng mga gastos dito, Kaus. Normal lang iyan." Tinapik-tapik pa ni Keisha ang lalaki na wari'y hindi big deal ang mga malalaking perang nabawas sa pera ni Kaus. Umawang ang labi ng lalaki. "S-agot ko ang party na ito?" "Oo. Sagot mo lahat. Kahit iyong mga drinks and food. Itong hall. Mga dress namin nila Allegra. Lahat." "What the f**k?" ani nito na hindi makapaniwala. "Happy birthday, Kaus." Nakangisi pang ani ng baba