Chapter Fifty-four Saktong paglabas ni Xachary sa kwarto niya ay gano'n din ako. Agad nga nitong hinawakan ang kamay ko no'ng nasa hagdan na kami. "Allegra, tiyak kong hindi matutuwa ang aking ina kung sasabihin natin sa kanya na wala tayong relasyon habang nasa isang bahay tayo... nasa isang kama tayo. Pwede bang sabihin natin sa kanya na magkasintahan tayo?" "Sige." Tugon ko rito. "Thanks, baby. Usap na lang tayo later." Ngumiti ako rito't tumango. Natutuwa talaga ako kapag tinatawag akong baby. Feel na feel kong special akong tao. Pagbungad sa dining room ay nanlaki ang mata ng babaeng nakaupo sa left side ng mesa. Awang ang labi nito saka dahan-dahan niya akong itinuro. "What the f**k, Xachary El Richi?" ani nito. Gumuhit ang galit sa mga mata nito. "Ikaw ang nagtatago sa ba