Chapter Fifty-five Maagang pumasok si Xachary, paggising ko'y nakaalis na ito. Medyo malungkot tuloy ako dahil hindi ako makahingi ng kiss dito. Pagbaba ko'y abala pa ang mga tao sa kani-kanilang mga trabaho. Wala akong nakausap no'ng nag-breakfast ako. No'ng tumambay naman ako sa sala ay wala pa rin dahil lahat sila'y busy. "Allegra, baka hindi raw makauwi ng maaga si Xachary mamaya dahil dederetso raw siya ng ospital." Imporma ni Nana sa akin. "Sige po." Mahinang ani ko. Bagsak din ang balikat ko na napabuntonghininga pa. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" takang ani ng matandang babae na lumapit sa akin at pinagmasdan akong mabuti. "Nalungkot lang po ako dahil hindi ko nakita si Xachary kanina. Hindi pa po ako nakahingi ng kiss sa kanya. Nana, bakit po ganito ang nararamdaman ko?" "