Chapter Fifty-six "Sabi po ni Xachary saglit lang siya. Tanghali na po. Nagugutom na ako." Gumawi ang ginang sa akin. Huling-huli ang paghaplos ko sa aking tiyan. Gutom na kasi talaga. Ayaw ko namang sumilip sa labas at magsabi kina Ate Honey at Ate Babe dahil baka may ibang tao or baka Wala sila roon. "Napaka-demanding mo naman yata sa anak ko... hindi ka niya asawa o kasintahan para maging obligasyon ka niya." "Wala naman po akong sinabi. Ang assumera mo po." Nanlaki ang mata nito na wari'y hindi makapaniwala sa narinig na sinabi ko. "Gutom lang po ako. Hays. Buti na lang po hindi na ako stress sa kilay mo po. Kasi kung stress ako... tapos gutom... kawawa naman po ako." Umirap ang ginang. Saka bumalik ang atensyon nito sa phone. Tumayo ako. Lumipat sa swivel chair ni Xachary. Naki