Chapter Fifty-seven Back to work si Xachary habang ako'y nasa couch at nagme-merienda. Sobrang seryoso nito sa harap ng laptop niya. Kahit siguro magpa-cute ako'y hindi ako nito papansinin dahil mas importante ang trabaho niya sa mga oras na ito. Nang kumatok ang secretary ay hindi na ako natakot pa. Alam naman na nito kung sino ako at hindi ako mapapahamak kahit pa makita nito. "Boss, I need your signature here." Seryosong ani ng babae na deretsong lumapit sa table ni Xachary. Agad namang tinanggap ng lalaki ang papel na iniabot sa kanya. Pinasadahan ng basa bago pinirmahan. He's so hot. Habang pinanonood ko itong pumirma ay may saglit na sumagi sa isipan ko. Nang matapos ito't naibalik ang papel sa sekretarya ay agad na ring lumabas ang babae. "What kind of look is that, Allegr