Chapter Forty-three "Hapon na, Allegra." Bahagya ako nitong kinalabit. Dahan-dahan akong nagmulat at tinignan si Xachary, nasa mukha nito ang pagkainip. "I'm still sleepy." Sabay pikit ulit. "Wake up, Allegra. May pupuntahan tayo." "Where?" pero hindi pa rin nagmulat. Saka ko iniayos ang kumot na nakabalot sa katawan ko. "Sa 8th deck. Auction." Napabalikwas ako agad ng bangon. "Sabi ni Keisha delikado raw roon---" "Delikado lang kung hindi mo ako kasama. Imbitado ako, dahil bisita kita rito kaya pwede kang sumama sa akin. Bangon na, Allegra." Inalalayan pa ako nito nang bumaba ako ng kama. "Sila Keisha?" "Bumaba sila ng barko." "Akala ko bukas pa?" lumuhod si Xachary at iniayos ang tsinelas ko bago ko iyon isinuot. "Nagbago ang isip ni Kaus. Bakit? Gusto mo rin bang bumaba?" ag