Chapter Forty-four Vase and painting ang nakuha namin sa auction na iyon. Kung iyong vase na napili ko ay nagkakahalaga ng 20k in dollors ha, iyong kay Xachary ay ayaw ko na lang sabihin kung magkano. Basta mahal... sobrang mahal. Ngayon ay nasa elevator na kami pababa. Touchy na naman ang lalaki. Lumulusot nga sa slit ng gown ko ang kamay nito. Nang bumukas ang pinto ay tumigil din naman ito at niyaya na akong lumakad palabas. "Xachary, pagod na ang mga paa ko." Agad namang lumuhod ang lalaki at hinubad ang stiletto shoes ko. "Kaya mo bang maglakad nang nakayapak lang?" tumango ako rito. "Okay, let's go." Lumakad kami patungo sa silid namin. Pagdating doon ay agad din ako nitong tinulungan sa paghubad ng gown na suot ko. I'm so tired. Gusto ko nang matulog pero may make-up pa ako ba