Kabanata 11

1084 Words

"PATAY NA?" ulit ni Conrado sa sinabi ng lalaki. Tumango si Carlos. "Oo, sina Juancho at Marvin. Parehong pamilyado." "Si Juancho, huling nakita noong gabi ng Biyernes, nakikipag-inuman doon sa tindahan ni Aling Linda, kung saan kami nag-inuman noong kaarawan ni Ramon bago siya namatay." Mula kay Carlos ay nabaling ang mga mata niya kay Berting. Nakatanaw ito sa bahay ni Ramon, tila inaalala ang gabi kung kailan nila huling nakita ang kaibigan. "Ang sabi ng asawa ni Juancho, hindi na raw umuwi nang gabing iyon ang asawa niya, hanggang ngayon, wala pa rin." "Si Marvin naman, kauuwi lang mula sa paglalako ng mga paninda niyang gulay. Galing siya sa iba't ibang baryo at kadalasan, hapon siya umuuwi. Noong gabing mawala siya, iyon ang unang beses na hindi siya nakauwi nang maaga. Noon na ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD