Kabanata 11 |2|

1216 Words

NAKAUPO siya sa papag at nakatingin sa nakabukas na pintuan. Mula sa kinauupuan ay natatanaw niya ang iilang mga taong naglalakad sa labas. Mukhang kauuwi lamang ng iba sa mga ito mula sa trabaho. Ang alam niya, kapag sa probinsiya, alas-siete o alas-otso pa lamang ay tahimik na ang buong paligid, ngunit hindi ang Baryo Crisostomo. Alas-otso na ngunit marami pa rin ang gising sa labas. Palibhasa ay gabi na nakauuwi ang mga lalaki mula sa trabaho, at pagkatapos ay may nakaburol pa malapit sa kanila, kaya siguro paroon at parito pa rin ang mga ito. Biglang sumagi sa kaniya ang napag-usapan nila kanina nina Berting at Carlos. Pati na rin ang mga bagay na sinabi sa kaniya ng Tiyo Gado niya. Napailing siya. "Manananggal," natatawa niyang turan. Nang sumagi naman sa isip niya ang dalagang si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD