"CONRADO! Conrado!" Naalimpungatan sina Ahnia at Conrado nang marinig ang malakas na boses na nanggagaling sa labas ng kubo. Malakas din ang mga katok na ginagawa nito sa pinto dahilan upang tuluyan silang magising. Unang nagmulat ng mga mata si Ahnia na agad ring natigilan sa bumungad sa kaniya. Nakahiga sa tabi niya si Conrado. Nakayakap siya at nakaulo sa dibdib nito. Mabilis siyang bumangon at tinago ang sarili sa bulaklaking kumot. Bahagya pa siyang dumistansya sa binata nang makita ang paggalaw nito. "Conrado! Si Gado ito, iho!" Tuluyang nagising si Conrado nang marinig ang pangalan ng kaniyang Tiyo Gado. Ngunit nang magmulat siya ng mga mata at nakita ang babaeng nakaupo malapit sa kaniya habang nakatapis ito ng kumot ay mabilis siyang bumangon. "Ahnia?" tila naguguluhan niyan