Kabanata 9 |3|

1171 Words

Kumuha siya ng isang hiwa ng kamatis at pinares iyon sa itlog saka sinubo. Naiiling na tumawa siya rito. "Hindi pa mataas ang sikat ng araw. Alas-diyes pa nga lang, e." Nagpatuloy sila sa pagkain habang nagkukuwento. Kaunti lang ang kinain ni Ahnia at siya lang halos ang umubos ng mga niluto nito. "Paano mo pala nalalaman ang time, Kuya Conrado?" Tumawa lang siya pero hindi na nag-abalang sumagot. Sa halip, iba ang sinabi niya rito. "Ayos iyan, nagta-Tagalog ka na." Sa pagkakataong iyon, si Ahnia naman ang natawa. "I always speak Tagalog naman, e, if necessary talaga." "Puwede ba? Nag-Tagalog ka na. Huwag ka nang magpaka-conyo pa." Ngumuso si Ahnia bago nagsalin ng tubig sa sariling baso at uminom. "Kuya Conrado, it's Filipino, not Tagalog." Bahagyang natigilan si Conrado sa pagtay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD