Napalunok siya nang maramdaman ang isang kamay nito sa tapat ng kaniyang dibdib. Naramdaman niya ang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. Kinakabahan siya. Lalo pa nang unti-unting umangat ang kamay nito hanggang sa matagpuan ng mga daliri nito ang mga labi niya. Muling tumingkayad ang babae. Ipinikit nito ang mga mata at inilapit ang mga labi sa kaniyang labi. Nang ilang dangkay na lang ang layo ng mga labi nila sa isa't isa ay bigla silang natigilan sa narinig. "Kuya Conrado? Kuya?" Pareho silang napalingon sa pinanggagalingan ng malakas na boses. Tila nasa malapit lamang ang babae at patungo na ito sa kinaroroonan nila. "Ahnia?" nagawa niyang sambitin ang pangalan nito. Mabilis naman siyang nilingon ng tingin ni Mariah. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito sa pangalang sinambit