Kabanata 9

1110 Words

HALOS mabali ang leeg ng binatang si Anjo sa kalilingon sa kubo kung saan nakatira ang mga bagong salta na sina Conrado at Ahnia. Mula sa tindahan ni Nadya ay tanaw na tanaw niya sa nakabukas na bintana ang taong hinahanap ng mga mata niya—si Ahnia. "O, malayo na naman ang tingin mo. Saan ka na naman ba nakatingin, ha?" natatawa namang kantiyaw ng kaibigan niyang si Carlos. Kararating lang nito, mukhang papunta na rin sa bayan para magtrabaho. Mga construction worker kasi sila sa isang bagong tindahan na itatayo sa bayan. "Huwag ka ngang maingay." Itinuro niya ang bintana kung saan malaya niyang napagmamasdan ang dalagang si Ahnia. "Napakaganda ng kapatid ng pamangkin ni Gado, `di ba? Hindi lang basta maputi, kundi sobrang kinis din! Type na type ko, pare!" Nailing si Carlos at bahagyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD