Nang makalabas ng bakuran ng bahay ni Gado ay nabangga pa sila ng ilang batang nagtatakbuhan sa paligid. Tila walang kapaguran kung maglaro ang mga bata. Mula umaga hanggang gabi. Kahit sa palagay niya ay mag-a-alas-siete na, sige pa rin ang mga ito. Mas nagiging live naman ang baryo dahil sa kanila. Pansin din niya na mas maraming tao ang nasa labas at nagkakasiyahan sa tuwing sumasapit ang gabi. Maliban sa mga dumadalaw sa bahay na bato dahil may nakaburol doong patay, maraming mga kalalakihan ang nakatambay sa labas at nag-iinuman. Siguro ay ito ang oras nila ng pagsasaya matapos ng buong araw na pagtatrabaho. Binagalan ni Conrado ang paglalakad at nilapit sa kaniya ang mukha. "Nakikita mo iyang mga iyan?" bulong nito. "The whom? The tambays? The kids?" balik tanong niya rito. Tuma