NAPANGITI si Ahnia nang makita sa bungad ng pintuan ng kaniyang silid ang babaeng si Nadya. May tangan itong mga pagkain sa dalawang kamay. "Nako, timing na timing, Ahnia! May dala akong pagkain!" masiglang wika nito at tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto saka umupo sa tabi niya. Ibinaba nito ang dalawang platong puno ng nilagang saging at ginamos. Muli pa itong nagpaalam sa kaniya upang umalis sandali at kunin ang tinimpla nitong pineapple juice sa labas. "What's this, Ate Nadya?" tanong niya matapos kumuha ng isang saging. Umuusok pa ito sa init kaya kinailangan niyang ilagay muna sa sariling platito upang hindi siya mapaso. "Magugustuhan mo iyan. Masarap! Ako mismo ang may gawa!" nakangiting saad ng babae saka siya inabutan ng isang baso na naglalaman ng juice. Tinanggap niya iyon