Lumapad ang ngiti sa mukha ng lalaki. Mabilis nitong pinahid ang ilang luhang tumakas mula sa mga mata. Kinuha nito ang kamay niya at isinuot ang isang gold ring na may maliit na diyamante sa gitna. Matapos iyon isuot ay agad na tumayo ito at mahigpit siyang niyakap. Wala siyang ibang ginawa kundi pumikit at gumanti ng yakap sa lalaki. Sa labis na kasiyahan, inangat ni Conrado sa ere si Ahnia, inikot habang yakap-yakap pa rin nang mahigpit. Labis na katuwaan ang nararamdaman niya. Pinangarap niya lamang noon na maging kaniya ang dalaga, ngayon ay mapapakasalan na niya ito. Tila tinutunaw ang kaniyang puso sa labis na nararamdamang saya. Natigilan naman sila at naibaba niya ang dalaga nang marinig ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa labas ng bakuran. Napalingon sila ni Ahnia sa mga it