MATAPOS ihatid ni Conrado si Ahnia sa bahay ni Nadya, muli itong bumalik sa bahay ni Gado upang ipagbilin ang babae. "Aalis ka?" takang tanong ni Gado. Abala ito sa pagkain ng agahan sa hapagkainan. Tumango siya sa tiyuhin. "Oho, tiyo. Kailangan kong pumasok sa trabaho. Sayang din ang kilitain ko roon." Nagbuga naman ng hangin si Gado bago tumango. "Sige, kami na ang bahala kay Ahnia. Mag-iingat ka." Ngumiti siya sa tiyuhin at nagpasalamat. Bago tuluyang lumabas ay muli pa siyang hinabol ng tawag ni Gado. Natigilan siya sa harap ng pintuan nito at nilingon ang lalaki. "Kailan na nga uli ang kasal ninyo ni Ahnia?" nakasilay ang ilang gitla sa noo ng lalaki. "Sa makalawa na, Tiyo Gado." Napansin naman ni Conrado ang pagbaha ng pangamba sa buong mukha nito nang marinig ang sinabi niya.