Kabanata 33 |2|

1181 Words

Humiyaw si Ahnia at mabilis na inatake ng patalim si Mariah. Natamaan niya ito sa mukha ngunit hindi naging sapat iyon para umalis ito sa ibabaw niya. Hinanda ni Mariah ang dila upang pasukin ang dibdib niya at kunin ang kaniyang puso. Nang makita ito, malakas siyang sumigaw at pilit pinapatamaan ng patalim ang mukha ng babaeng halimaw. Sa lakas ng kanilang mga galaw ay hindi naiwasang masagi nila ang lamesa dahilan upang mawala ito sa balanse. Nahulog at nabasag ang dalawang bote na pinaglalagyan ng toyo at suka. Isang matinis na sigaw ang kumawala mula sa bibig ni Mariah nang matalsikan ito ng mga likidong nagmula sa mga nabasag na bote. Mabilis itong umalis sa ibabaw niya at nakaupong umatras mula sa toyo at sukang naghalo na sa sahig. Nang mapansin ang natatakot nitong mukha habang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD