ABALA ang lahat para sa pag-aayos ng kasal nila ni Ahnia bukas ng tanghali. Napagpasiyahan nilang gawing simple ang lahat. Sa bakuran ni Gado magaganap ang reception ng kasal. Tutulong sina Nadya at ang ilan pa nilang kapitbahay para sa pagluluto at pag-aayos ng paligid. Habang si Anjo naman at ng iba pang kalalakihan ang nagpunta sa simbahan at sinigurong makakapunta ang pari. "Nako, Ahnia, sigurado akong magiging maganda ka bukas! Lalo pa't kasama natin itong si Vergie! Magaling itong mag-makeup!" Narinig ni Conrado na wika ng babaeng si Nadya habang kausap nito si Ahnia kasama ang isa sa mga kapitbahay nila. Patungo ang mga ito sa kubo dala-dala ang mga makeup na gagamitin para bukas. Hinatid niya ng tingin ang mga ito hanggang sa makapasok ang tatlo sa loob ng kubo. Nakuha naman an