Kabanata 40 |2|

1506 Words

TULOY-TULOY ang paglandas ng luha mula sa mga mata ni Ahnia habang nakatitig sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng kaniyang minamahal. Mag-iisang buwan na rin ang lumipas simula nang mangyari ang pinakamasalimuot na bangungot ng kaniyang buhay. Maging hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Anak ang dapat na naglilibing sa magulang, hindi magulang ang naglilibing sa anak. Kung puwede niya lang sanang ibalik ang oras, sana nakinig na lang siya kay Conrado. Sana pumayag na lang siyang magpakalayo-layo sila. Kahit umabot pa sila sa dulo ng mundo, makasama niya lamang ang kaniyang mahal ay gagawin niya. Kasabay ng paghikbi niya ang paglandas ng kaniyang mga daliri sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng minamahal—Conrado G. Gaviola Jr.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD