UNANG tapak pa lang ng batang si Gavin sa labas ng gate nila, nakaramdam na siya ng kakaibang kilabot. Awtomatikong kumapit ang isang kamay niya sa braso ng labing-apat na taon niyang ate. "Huwag ka ngang makulit, Gavin. Kita na ngang may ka-text ako, e," reklamo ni Gina nang hindi inaalis ang mga mata sa screen ng selpon nito. "Ate, bilisan na natin!" aniya mula sa mababang tinig. Mag-a-alas-diyes na ng gabi at nasa labas pa rin sila papunta sa isang bukas na tindahan upang bumili ng makakain. Sa tuwing nahuhuli ng uwi ang kanilang mga magulang ay nakasanayan na nilang lumabas tuwing gabi para bumili ng kung anu-anong puwedeng kainin. Hindi na rin naman natatakot lumabas si Gina dahil puwera sa kilala na nila ang halos lahat ng kanilang kapitbahay, ay sa isang secured subdivision pa s