"HIHINTAYIN ko kayo ni Conrado." Isang ngiti ang ibinigay ni Abrenico sa kaniya bago ito tuluyang umalis kasama si Conrado. Matapos makabuo ng plano noong nagdaang gabi, ngayon ay nakahanda na silang gawin ito. Kaninang umaga ay nagdagdag na ng tauhan ang kaniyang ama at may nakuha na rin silang babaeng magpapanggap bilang siya. Pagsapit ng alas-singko ng hapon ay dinala na sa hotel ang babaeng nagpapangganp na siya habang siya naman ay lihim na nagpaiwan sa mansiyon kasama ang mga katulong at iilang mga lalaki na pawang mga bihasa sa pakikipaglaban. Ginawa nila iyon upang kahit maisipan sundan ni Mariah ang babae, hindi nito masasaktan iyon dahil maraming tao ang nakapaligid rito. Nang sa ganoon, susundan nito si Conrado at ang lalaki ang pupunteryahin. Nanatili naman siya sa pribado