Kabanata 18

1367 Words

SA LOOB ng gubat hindi kalayuan mula sa bungad ng Baryo Crisostomo, may maliit na simbahan ang matatagpuan. Napaiikutan ito ng malalaking puno at nagtataasang mga talahib. Dahil sa laki ng punong nakaikot dito ay halos hindi na ito kayang abutin ng sinag ng araw kaya may kadiliman sa paligid. Matagal nang inabandona ng mga tao ang naturang simbahan. Wala na ring pari ang nagmimisa rito tuwing Linggo kaya mas lalong nawalan ng rason ang mga tao upang puntahan ito. Nilamon na rin ng mga alikabok ang loob at labas ng simbahan, pati na rin ang mga bintana nito. Doon natagpuan ni Conrado ang sarili sa kagustuhang makalayo sa dalagang si Ahnia. Bakas ang paghihirap ng kalooban sa kaniyang mukha. Nakakuyom ang mga palad niya at pilit pinipigilan ang sarili na tumakbo pabalik sa piling ng babae

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD