LUMIPAS ang gabi nang hindi umaalis sa tabi ni Ahnia si Conrado. Wala siyang nagawa kundi matulog sa loob ng silid nito dahil kahit ano ang paliwanag niya na hindi na siya aalis ay hindi nito pinaniniwalaan. Halos buong gabi rin siyang hindi nakatulog dahil ni hindi man lang ginawang umidlip ng dalaga. Nakahiga na nga ito sa banig ngunit nanatiling dilat ang mga mata habang nakabantay sa kaniya. Natatawa na lang siya dahil dinaig pa niya ang preso sa ginagawa nito. Pagsapit ng alas-kuwatro ng umaga ay saka lang dinalaw ng antok ang dalaga. Nang makatulog ito ay siya naman ang nakaramdam ng antok at tuluyang nakaidlip. Tanghali na nang magising silang pareho. Naligo agad siya habang si Ahnia naman ang nagluto ng agahan nila. Pagkatapos niyang maligo ay sumunod naman ang dalaga. Nang nasa