KUMALMA sa mabilis na pagtibok ang kaniyang puso nang ilayo ni Conrado ang mukha at umayos ng upo sa harap niya. "Sinabi ko na, hindi ba? Delikado kung magsusumbong tayo sa pulis. Hindi natin alam kung sino ang puwedeng pagkatiwalaan." Nalukot ang mukha niya nang maalala ang sinabi nito noon, may koneksiyon sa pulis ang mga lalaking nanloob sa kanila. Saka niya lang naintindihan kung bakit ayaw nitong lumabas siya ng kubo. "Dadalaw tayo mamaya, kapag nakaalis na ang mga pulis." Sumimangot siya sa sinabi nito. "Ngayo, tayo pa ang nagtatago sa mga pulis. I can't believe this," umiiling niyang wika. Ngumiti naman si Conrado bago ginulo ang buhok niya. "Matatapos din ito." Sinimangutan naman niya ang lalaki. Hindi pa niya nalilimutan ang ginawa nito sa kaniya kanina. Sa paglipas ng oras